Hirap Matulog

7 months preggy here. Simula nagbuntis ako tinubuan akonng mga pimples at kahit anong gawin at ilagay ko sa mukha ko, imbes na gumagaling parang lalong lumalala. Ok na, tinanggap ko naman na. Kaso ung MIL ko, sinasabihan ako na di daw kasi ako natutulog ng maaga kaya ako nagkakaganito. At wag daw sana ako natutulog sa araw kasi. Ilan beses ko na inexplain na sa gabi malikot ang bata. Sa gabi parang naninigas ang tyan ko dahil sa galaw ng bata, di ako makatulog, hirap sa paghinga at ihi pa ko ng ihi. Hays. di nila ko maintindihan. Nakakastress naman.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Mommy ganyan po talaga.. Due to hormones yung pimples or breakout.. Wag na kayo mag lagay ng kung ano ano po kasi eventually mawawala din po yan pag nanganak and nag back to normal po hormones niyo..hindi po yan connected sa puyat😊 Mahirap na din po talaga matulog pag nasa 3rd trimester po.. Pag makukuha mo na sleep mo.. Diyan yung lalakas galaw ni baby.. Naiihi ka.. Sa akin po nagigising ako dahil nangangalay yung legs atsaka paa ko😊

Magbasa pa