Absent na tatay

6 months na po baby ko ngayon. Yung tatay ng anak ko hindi na nagparamdam simula 2 months old ang baby ko kahit sustento po wala pero pangalan niya po nasa birth certificate. Ang baby ko po nakaapelido po sakin. Hindi na kami friends sa facebook pero friend ko parin ang mama niya. Nagchachat mama niya sakin nakikiupdate sa apo niya. Nagrereply naman po ako kasi nakakahiya kung hindi ko replyan kasi lola parin naman siya at ang anak naman niya ang may kasalanan sakin at hindi siya. Sa totoo lang ayoko na magkaroon ng connections sa pamilya ng tatay ng anak ko kasi walang kwenta yung tatay. Kung kayo po ba iignore niyo na din yung lola at ibblock o hahayaan nalang makiupdate sa apo niya? Naaawa po kasi ako sa lola kasi mukhang gusto talaga niya makita apo niya. Eto pa po isa, nalaman ko na pinopost ng tatay ng anak ko sa fb niya pictures ni baby na screenshot ng myday ko na parang may care siya sa anak niya. Nagalit ako as in sobra kasi sobrang kapal ng mukha. Hindi na nagpaparamdam at hindi na din nagsusutento kahit mga check up ko nung buntis ako wala naman yang naibigay. Pwede ko po kaya siya kasuhan dahil sa hindi niya pag sustento or pwede ba ipatanggal pangalan nya sa birth certificate? Salamat po #advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Pwede mo kasuhan sa VAWC ska child abuse.