manas na paa at pangingitim ng kili-kili
5 months pregnant palang po ako.. normal po ba yun or masyadong maaga? ano pong cause non and dapat kong gawin? ?
For manas po - Iwasan mo po mga salty food and drink more2 water, saka sipagan mo po maglakad2. Wag po puro upo. Kapag uupo ka din po mas maigi yung nakapatong sa upuan din mga paa mo, para straight mga paa mo. Para sa pangingitim ng kili-kili - wala pong remedy dyan. Hintayin mo na lang po maka panganak ka, babalik naman po yan sa dati after giving birth.
Magbasa paMag pa check up ka, ako nagsimula ang manas ng 5 months sinabi ko agad sa ob ko sabi normal lang yan, and yun late na ng malaman ko meron ako condition and naapektuhan ang birth weight ng baby ko and maliit sya base sa gestational age. Pero wellbaby naman sya kahit na CS ako ng 37weeks my baby is doing well ang mabilis sya mag gain ng weight.
Magbasa paang aga ng pgmamanas mo sis ah...sa akin normal lng paa ko, normal ang bp ko din tsaka sa sugar hndi ako palakain sa matamis, sa tuwing mtutulog na ako dlawang paa ko pnapatong ko sa teddy bear kong panda.at di ako ntutulog tanghali tapat
Maaga pa sis. Iwas ka sa maalat, damihan tubig, at pag mag rest ka sa gabi taas ko mga paa. Iwasan ko matagal na nakatayo, nag lakad, at nakaupo, or naiipit ang mga binti mo sa tsinelas or pants mo.
Siguro dagdagan mo.lang ung paglalakad mo tsaka damihan mo pag take ng tubig. Ako 8 months na di pa naman minamanas, siguro kase araw araw akong nabyahe para pumasok sa trabaho tagtag
masyado po maaga. base po kase sa mother ko start daw po ng manas is 8 months baka po meron po kayong biri-biri po. try nyo po magpacheck up para po mabigyan kayo ng gamot :)
Pangingitim ng kili kili, eh ok lang ganun naman usually dala ng hormones ng katawan. Pero ang pag mamanas, masyado maaga pa para mag manas ka. Better mag konsulta sa doctor
Normal po yung pangingitim ng kili kili. Pero yung pamamanas, sobrang aga sis. Pacheck up ka, kasi yung friend ko ganyan din ayun pala may pre eclampsia na siya.
normal po yung pangingitim mg kili-kili pag buntis pero manas po hindi. consult ka po sa ob mo. exercise ka din po lakad konti tapos wag matutulog sa umaga.
More water, itaas ang paa pantay para sa pag circulate ng dugo, saka lakad lakad pag may time. Wag matulog pag may sikat pa ang araw. Wag magpaka stress😅
mom of adorable twins