Ayaw ng formula milk

5 months po anak ko at breastfeeding po kami kaya lang babalik na po ako ng abroad next month para mag trabaho at iwan dito si baby kaya gusto ko na ipag formula milk siya para masanay siya. Problema ko po ay ayaw nya ng formula milk (similac). Hindi niya dinedede as in. 2 weeks na ko nagtatry pero tinutulak niya lang yung bote. Ano kayang pwede gawin para inumin niya yung gatas? Please wala po sanang sasagot ng “mag breastfeed ka nalang. Binibigyan mo lang ng problema sarili mo!!”. Nakakainis kasi ibang tao dito sa app parang hindi nagbabasa ng post bago mag comment, mga judgemental. Di po ako kasing swerte ninyo na makakasama anak ko lagi kasi kailangan ko pong kumayod. Thanks

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Baka po ayaw niya lang lasa ng milk? Nagtry po ba kayo ng ibang brand?

4y ago

Yes po. Pangatlong palit ng milk na niya ito in 2 weeks. Ayaw niya ng similac. Grabe din pagsuka niya sa Enfamil to the point na dinala po namin si baby sa ER. Ngayon po rineseta ay NAN Sensitive ayaw nya din. Gusto niya talaga breastmilk. Problema din po ba kaya ang bote?