Nahulog si baby sa kama

5 months na si baby at nahulog siya sa kama namin di naman masyado mataas yung kama namin at kahoy yung sahig namin. Hindi ko nakita kung anong unang bumagsak sa knya kung ulo or pwet ba unang bunagsak sa knya basta may narinig nalang ako na may tunog ng nahulog na di rin naman masyado malakas at nakita ko na pahiga yung bagsak niya. Dahil natarata ako agad agad ko siyang binuhat at niyakap. Hindi umiiyak si baby pagkadampot ko sa knya.agad akong chineck yung ulo niya para maghanap ng bukol pero wala naman akong nakita or nakapa, chineck ko din yung braso kamay legs at likod walang sugat or pasa. Pangiti ngiti pa siya sa akin nung kinakausap ko siya if may masakit ba sa knya. Nilapag ko din siya para tignan if may napilay ba sa knya, dumapa naman siya agad at malikot siya na parang walang nangyari. Hinayaan ko siya sa bed ng ilang minutes at binuhat ulit para iready siya kasi magpapalit kami ng diaper at damit pantulog habang pinapalitan ko siya nagsimula na siyang magpakita ng sign na inaantok siya. Sabi ng mama ko patulugin ko na siya after magpalit. Hindi mapanatag yung loob ko, nagwoworry ako lalo na at di pa at di niya pa kaya magsalita at sabihin kung saan at ano masakit sa knya, ano ba dapat gawin kapag nahulog si baby? At tama ba na pinatulog ko siya? Patulong naman ako mga mommies. #firsttimemom #firstbaby #pleasehelp #advicepls

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

observe mo within 24 hrs kung llagnatin or magssuka. yan ang sbi ng pedia.pero kung gs2 mo makasigurado pacheck mo mhirp kasi pag gnyan p kabata

hindi advisable patulogin or painumin ng gayas after mahulog dapat nagwait ka until 1hr

3y ago

nagising si baby ng wala pang isang oras, di siya umiyak paggising nakangiti siya tapos ang likot likot niya na parang di siya nahulog. hindi rin siya nagsuka at hindi mainit.