Sa mga ka Team-July
5 Months na buntis po, sino po sa inyo nakakaranas ng hirap matulog at minsan umaabot ng 3 to 4 am bago makatulog kaya minsan nagigising ako ng 10 to 11 am😥at hirap kumuha ng posisyon sa pag tulog, one week na akong ganito na di makatulog😥 pahelp naman po, Normal lang po ba eto?
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
July din po EDD ko. Na experienced ko rin to. Ewan ko ang weird pero pag nakasiksik na ako sa asawa ko at naaamoy ko sya mas mabilis akong makatulog. 😅 Nangyari po sakin na ang hirap talagang matulog kasi side lying ang ideal sleeping position. Dapat din na nasa left side. Ang style ko po para komportable ako may mahabang unan ako na parang nakasangga sa likod ko tapos may unan din po ako sa harap kung saan nakapatong ang right leg ko. Dati hirap na hirap akong matulog pero now hindi na masyado. Pero yun pa rin minsan nakaka 11 pm or 12 ako nakakatulog pag nababad sa phone. Pag iniwasan naman, mga 10 pm tulog na. Avoid po natin momsh ang phone pag malapit na mag 10 pm saka uminom din po ng gatas and pwde ring magpatugtog ng pregnancy music. ☺️
Magbasa paJuly din EDD ko, na experience ko din po mahirapan matulog, putol putol yung tulog ko, ang ginawa ko inumagahan ko aking oras ng pagtulog dating 9pm ngayon 8pm na. Iwas na din sa CP pag malapit na matulog, at uminom ng gatas. Ayon medyo di na nahihirapan ng kunti. Last but not the least prayer mamshie ang ating tanging pinakalamakas na sandata sa lahat ng struggle natin sa pagbubuntis..Good luck team July🥰
Magbasa paSameee Mommy. July 7 EDD ko. Sobrang hirap kumuha ng maganda left side lying sleeping position. Pag gising ko sobrang sakit likod ko sa ngalay. As of now mas prefer ko na matulog sa sofa namin kasi na-maintain ko matulog talaga na nakaside. Di naman kasi ako magulo matulog kaya pinayagan ako ni husband. Di ko nga lang siya tabi matulog sa gabi. Nagpapatugtog din ako ng baby music para mas relax ang isip ko before sleeping.
Magbasa pateam July. hirap din ako makatulog. nung isang araw 3:30am na ako nakatulog pero usually 2am. tapos magigising ng 5 or 6am then makakatulog ulit babangon ako 8-9am para mag gatas at breakfast magpapahindag konti tapos matutulog ulit. hirap na talaga maka kuha agad ng maganda posisyon. sabayan pa ng ihi ka ng ihi
Magbasa pasame same talaga ang kalagayan natin team july hirap makatulog hirap hanapin ang posisyon hayss pray nalang hanggang makatulog 3 to 4am na ako nakakatulog gigising ng 8am kasi may student pa na papasok. kaya tulog ulit mga 10am
nangyare sakin yan nung 3mos yung tiyan ko. bedrest kase ako non kaya hindi ako inaantok sa gabi akala ko nga sa vitamins na iniinom ko. pero ginawa ko non hindi na ako natutulog sa hapon para kapag sa gabi makatulog ako agad.
Team july here po, same po hirap dn makatulog at pumwesto sa gabi. inaalternate ko ang side by side position para lang maging comfortable, samahan lang dn nang dasal. Kaya naman goodluck saatin mga mie 💕
makakatulong po ang U-pillow nabibili sa shopee momy.. ako din hirap hanapin ang pwesto sa pagtulog kc nararamdaman ko sumasama din c baby sa paggalaw ko tuwing babaliktad ako ng posisyom side by side😊
Sa july din ako pero Hindi na ako hirap matulog ihi nga lang ng ihi sa madaling araw hehe pero nakatulog naman ulit ako.. iwasan nyo lang po siguro ang matulog sa tanghali
me too, hirap matulog kaya ang ginagawa q po nilalagyan ko unan yung tyan ko 😅 yung parang nkhiga din sya, pag gnun tas nka left side po ako, ayun nkktulog naq