ano pong dapat gawin after ng miscarriage?

5 days na po kasi simula nung nalaglagan ako and 7 months na po yung baby ko nun, di den po pumutok yung panubigan ko non. di pa din po ako nakakapag pa check up pagtapos ko po malaglagan. sa ob po ba ko dapat pumunta or sa hospital po? nasa magkano den po kaya magparaspa? TYIA

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Paano mo po nalaman nalaglagan ka? And kung nakunan man po kayo, hindi po ba kayo nag-worry and nagpunta sa hospital? Go to ER na po, hindi na po kayo pwede iraspa dahil malaki na yan dahil 7 months na, may ipapainum or isasalpak sa pwerta para kusa siyang lumabas or induce pa if ever.

2mo ago

sa doctor po kayo pumunta wag po sa manghihilot, wala naman pong ultrasound sa mata ng manghihilot para masabi kung may natira sa loob.

Pano nyo po nalaman na nalaglagan kayo? doctor po ang nagcoconfirm nyan at babase sya sa result ng ultrasound. Yes po sa ob kayo pupunta, at ang ob po ay nasa ospital din naman or clinic.

hala baby na po yun klangan nyo po talaga pumunta sa ospital may ospital po na walang bayad ang raspa