Masikip na sipit sipitan
40 weeks na po ako mga mums pero 'nung pag IE sa akin ng OB ko, sabi niya medyo masikip pa sipit-sipitan ko. Ano pong dapat gawin :(

Maliit din po sipit sipitan ko mommy. Uminom ako for 2 weeks ng EPO pero stuck sa 1 cm. And todo inom ako ng pineapple juice and kaen ng pineapple for about a week. Ininduce ako for 3 days. Naadmit ako 1 cm lang dahil sa pre eclampsia. Sad to say, umabot lang ng hanggang 5 cm dilation ng cervix ko sa loob ng 3 days kahit every 2 minutes na interval at hanggang 30 seconds na yung hilab. Ang daming naubos na gamot via iv at ininsertan pa ko ng ilang beses. Kapa na ulo pero ayaw talaga bumuka kaya emergency CS din ako. Lahat ginawa na namin ni OB para manormal, like squats, lakad, panay akyat baba din ako sa hagdan kasi room namin sa bahay nasa second floor, uminom at kumaen ng pinya, nipple stimulation and even salabat pero di talaga kaya ng normal delivery.
Magbasa pa


Preggers