7 Replies
Huwag ka po ma stress momsh. I read somewhere na mahirap daw ma active ang labor kapag stress ang mommy. Nong 39 weeks ako medyo stress din ako e kasi stock ako sa 1cm tas wala pa akong mararamdaman na kahit anong labor pains. Medyo stress pa lalo kasi yong mga nasa paligid parating sinasabing 'di ka pa pala nanganganak?' 'ang taas pa ng tyan mo' 'akala ko ka buwanan mo na?' maraming side comments na nakaka pressure lalo. Pero hinayaan ko na lang. Di ko naman kontrol ang date ng paglabas ng baby kon Hintay hintay lang po. Lababas din si baby. Hindi nakaka trigger ng labor ang pagiging stress. Ftm din po ako, nong mag 40 weeks na ako saka ako nag active labor na at tuloy tuloy na yong pagtaas ng cm ko. Pumunta ako ng ER na 3cm lang ako tas after ilang hours lang fully dilated na at ready na lumabas si baby. Nag relax lang ako, prayer ofcourse, and walking walking. Pagdating ko kasi sa hospital pinagawa sa kin ng ob at nurses maglakad lakad daw kasi nakaka help daw yon. Basta i continue mo po i monitor movements/kicks ni baby. Fighting momsh ✊
ako naman exact 40weeks ngaun and duedate ko na ngaung araw. nagstart narin ako mag primrose kahapon 3tab 3x a day bale 9 tab per day ang pinapasak ko aug 2 nag 1cm ako kase pinilit na ng doctor i open ang cervix ko (sobrang sakit) lastweek ng july nakakaramdam nman ako ng contraction kahit nung di pa nag oopen ang cervix ko kaso nawawala wala siya at tolerable naman ang pain kaya sabi ni ob di padaw yun labor. now after ko magprimrose nakkaramdam na ko ng pain sa puson at balakang kapag mag tuloy tuloy daw ska na ko magpunta ng e.r pinag BPS ultrasound din niya ko nung aug3 okay naman daw ang result kaya wag daw ako mag alala di pa naman daw ako overdue.
Yung 1st born ko is exactly 41 weeks ko siya pinanganak . Ang ginawa ko lang tlga is a daily routine ko na at least mag exercise or walking (30/40mins) since I am a working mom. Wala akong mga ininom na pampalambot ng cervix . At lumabas nman siya exactly sa EDD ko via normal spontaneous vaginal labor . 3 hours labor pain & 2 pushes . I just calm and prepare my body and also samahan ng prayers the more stress you feel the more negative thoughts ang iisipin mo. Our babies know when they are ready 🙏☺️ Keep positive mommy. Makakaraos ka' din. 🙏
Hi mommy! I gave birth po at 40 weeks and 4 days. Same na same tayo mommy ng nararamdaman during that week. Mild period cramps feels, tolerable pero it won’t go away anymore. At 40 weeks 3 days nag punta nako hospital kasi I cannot tolerate the pain anymore. I continued using the pregnancy tracker and read articles relating to going on labor na. Also, the kick counter in this app. Kaya I suggest ganun din gawin nyo. And then yoga ball po super duper effective nya :) Walk walk but don’t exhaust yourself too much! Good luck momma ❤️
update: Hi, mommies ako po itong nagpost. Nanganak na po ako, august 8 12:30. Magpapacheckup lang po dapat ako nung aug 7, pero diniretso na ko sa pag-admit kasi sa bilang nila 42 weeks na ko vs. sa 40 weeks na based sa ultrasound. Induced labor po ang nangyari since hindi nagpoprogress ang labor ko at di numinipis ang cervix. I'm thankful sa comments ninyo nabasa ko po bgo ako manganak. Nkakagaan ng loob na may nakaintindi sakin. Thank you for the kind words. God bless u all po!
Hello po. 'Di ko alam kung same lang sa hindi induced pero masakit po lalo nung malapit ko na ilabas si baby. Ang sakit ay parang waves po talaga na nawawala bumabalik at habang tumatagal, paikli nang paikli ang agwat nila. Inhaling through nose and exhaling through mouth lang po pinakaginawa ko para makasurvive kahit pano. 'Wag po pigilan ang paghinga kapag nagcocontract na.
pray lang momsh and lakad lakad. sabi nila kapag first time mom, hanggang 41 weeks. extra tagtag lang siguro and ask your OB maybe magrecommend ng primrose to soften the cervix. keep your focus mommy. wag ka pastress. makakaraos din yan! ❣️
Oo nga momsh eh panay din lakad ko esp last last week. Kso nung nagpacheckup ako last friday, advice sakin na 'wag magpatagtag kasi raw baka 1cm pa lang ako dilated ay pumutok na ang panubigan. CS daw pag ganun. Ask ko rin 'yang sa primrose sa sunod na punta ko. Anw I appreciate this comment so much!!🙏🏻Ganito talaga ako, need ng magpapanatag ng loob bukod sa sarili ko. Thank u, momsh!
📣
Anonymous