I'm worried

Hi this is my 3rd time pregnancy na wo-woried ako Kasi Baka maulit uli nung nang yari sa akin, Yung unang pag bubuntis ko Hindi ko alam na pregnant ako, nalaman ko na Lang nung dinugo na ako at nawala Siya and my second time pregnancy nalaman ko na buntis ako this January 2020 ang then nag pacheck up na ako unang check up sa akin is okay Naman binigyan ako Ng doc ko Ng mga vitamins and pampakapit after non pinabalik kami after 2 weeks and inultrasound ako walang heartbeat and Hindi Siya nag develop kinausap kami Ng doctor ko kasama husband ko na Kung ano daw desisyon namin Kung babalik pa daw kami after 2weeks or bibigyan na niya para mailabas ko si baby Kasi daw possible pa daw madevelop si baby Pero Hindi na daw kompleto Baka daw walang kamay or paa any thing Sabi ko kahit Hindi kompleto basta mabuhay Lang si baby. After non umuwi kami sa cavite para mag stay muna at makalanghap ako Ng sariwang hangin at magandang paligid. First Feb nag lockdown dapat second week ng Feb kami babalik pero first week Ng Feb dinugo na ako, tinakbo ako sa mga ospital sa cavite. May isang ospital na pinuntahan namin binigyan ako Ng pampakapit at bedrest Lang talaga ako pero need namin Ng ultrasound. Wala kaming mahanapan na ultrasound due to pandemic. Naubos ko na lahat lahat Ng binigay sa akin na gamot Pero wala pa din, napag desisyonan namin Ng husband ko na maghanap kami Ng malaking hospital. May nakita kami sa may las piñas area. Na IE ako nakita ko yung result na isulat Ng doctor dun nakalagay is MISS ABORTION tas need ko daw mag paultrasound nagtanong kami dun Kung Meron Sabi Meron nga daw pero kinabukasan pa Sabi ko okay Lang dok bumalik kami kinabukasan at nag paultrasound. Binigay na sa Amin yung result at pinabasa ko sa doctor na tumingin sa akin naka lagay dun is anembryonic pregnancy ako Hindi talaga nag develop yung baby. Need na talaga tanggalin yung baby sa akin may binigay sila sa akin na pinapasok sa pwerta para daw lumambot yung cervix ko then no choice na kami kailangan na talaga tanggalin. Umuwi na kami sa Pasay. Kinabihan Hindi na ako makatayo at makalakad dahil sa sobrang sakit na Ng puson ko Kaya tinakbo nanaman ako sa malaking ospital sa Pasay. Binigay ko na lahat Ng results sa doctor na titingin sa akin eni-e nanaman ako close parin daw yung cervix ko Kaya binigyan na nila ako Ng mag matapang na gamot and after ilang days lumabas na Siya. Sad but it's true. Ngayon this January nalaman ko na buntis ako natatakot ulit ako Baka mangyari ulit. ☹️

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magpaalaga po kayo s ob