TOTOO PO BA?

Totoo po ba na hindi maganda na magpacheck up sa OB ng maaga? 4 weeks pregnant lang kasi ko nung nagpacheck up ako. di pa nakita. 6 weeks nung nakita na si baby na may heartbeat. then after after 3 weeks nawalan na ng heartbeat si baby. sabi nila di daw kasi okay na maaga nagpacheck up dahil very sensitive pa si baby at nabubuo palang sya,lalo na daw kung may ipapasok sa pwerta (transv). mag wait daw ako ng 2 mos. na delay ako bago pacheck up. di din daw okay na magpost agad sa soc.media pag nalamang buntis dahil nauudlot

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello po. hindi po ako superstitious na tao kaya as soon as nakita po namin ng bf ko na positive yung PT nagpatingin na po kami sa clinic. na transv po ako in my first trimester (first pregnancy ko po ito) at wala naman po masamang nangyari. nakatulong po sakin na maaga kong nalaman kasi nakapag ingat po kami at maagang nag vitamins. yung pagpost sa social media naging trend po sa US na wag muna ipost habang first trimester kasi prone po sa miscarriage ang first trimester. kaya nagpopost po sila pag 2nd na kasi nalagpasan nila ng baby yung sensitive na part ng pregnancy.

Magbasa pa

Ung maaga na anu wla PA akong narinig na gnyn. Mga buntis dito halos maaga nag papachek up kasi first come first serve.. Un nmng pagpopost sa media well.. Sa totoo lng kasi eyes are the source of jealousy.. Minsan kasi may mga Taong ikasasakit Nila ang kasayahan mo Kaya minsan pag nagpopost ka ng good news they will I dnt know but wish na d ka mgiging happy.. So ganun.. Kaya careful lng din sa pgpopost d nmn superstitious belief ito pero tlgng may mga Taong d msya pag msya ka or other way around.. Masya sila pag Alam nilang lugmok ka.. Ganun ang reality..

Magbasa pa

Ako po last january nalaman kong preggy ako pacheck up agad ako tsaka trinansv din ako tas after ilang days nagspotting ako hanggang sa nakunan po ako at naraspa nung feb. Pero ngayon po preggy ulit ako di palang nga po ako nagpapacheck up sa ob kase po ayaw ko ng patransv nakakadala pero nagtetake naman po ako ng vitamins ngayon kase sa midwife na muna po ako nagpacheck up kaya naresetahan ako ng vitamins na iinumin ko.

Magbasa pa

for me po as soon as possible na nalaman mong buntis ka magpacheck up ka na. siya pa yung vitamins na matatake mo para sa development ni baby. baka lang po mahina si baby kaya nagkaganon uing sa inyo. and regarding naman po yung dun sa pagpopost sa social media wala naman pong kaso yun nasa kanya kanyang pananaw nalang yun.

Magbasa pa

Sa first baby ko 6weeks sya nung nalaman ko at na transV ako, safe naman. Sa 2nd baby ko 3weeks nagpacheckup na ko binigyan na din ako mga vitamins pero hindi naman iniinom hanggat hindi ako natatransV gusto ko kasi sure na sure. 10weeks pa nung mag patransV ako. Ngayon super healthy both baby ko 14weeks pa lang ako

Magbasa pa

4 weeks din ako nagpacheck up to confirm the pregnancy after positive PT, 7 weeks yung transv and may hearthbeat na si baby , maganda din na mas maaga magpa check up para maingatan and makainom ng mga vitamins, now 19 weeks going to 20 weeks na si baby.

Mas maganda nga po na maaga magpacheck up na kasi para aware ka sa mga dapat mong iwasan at dapat mong gawin since pregnant. Ung sa pagpopost sa social media, wala naman kinalaman un sa pagiging successful ng pagbubuntis ng isang tao.

i had my check up first before aq nagpatransv.. i was 5 weeks and 2 days lng non.. 6 weeks na nkita hb ni baby.. ndi pa rin aq nagpopost ng confirmation sa social media na preggy aq.. im currently at 22 weeks na.. ☺️

No sis mas okay makapag pacheck ng maaga para mabigyan ng tamang vitamins at pampakapit. Ako 6 weeks nung nagpacheck mahina pa heartbeat pero nung nag 7 weeks siya nag normal na at ngayon 17 weeks preggy na ako.

Nope. As soon as nalaman mo na buntis ka pacheckup agad. Mas mabuti pag mas maaga para makapagtake ng vitamins. Now if hindi sya mabubuo at mawawalan sya ng heartbeat. Baka hindi sya para sayo.