Mil Jaden M. Manza
April 19, 2020
08:00 AM
3kg
Via CS
April 18, 2020 ng 12pm nag start manakit balakang ko at para akong natatae pero hindi nag hihilab tyan ko kaya akala ko wala lang hanggang sa dumating ng 5pm may discharge na ako ng mucus plug tapos nag lakad ako saglit sa labas at nag squat ng isang beses pag upo ko biglang pumutok panubigan ko kaya deretso na kami ng lying-in pag dating namin don IE agad ako 2cm daw ako at greenish na ang panubigan ko kasi nakatae na pala si baby. Hanggang sa sumakit na ng sobra balakang ko at tumataas na bp ko pag dating ng 11pm nirefer na kami sa hospital dahil may posibility daw na ma-CS ako. Pag dating namin ng hospital 5cm na ako at okay naman ang heartbeat ni baby kaya pwede pa daw ma-normal. Sobrang sakit na inabot na ako ng umaga 5cm padin nag mamakaawa na ako at ang tagal pa dumating ng doctor. Pag dating ng April 19 around 6am may pagbaba na ng heartbeat si baby at sobrang green na yung lumalabas saken at bloody. The doctor decided na emergency cs na ako. Hanggang sa makarating si doc ng 7am sinimulan na ang operation at pag dating ng 8:00 AM my baby boy is already out! ❤️
19 hrs of labor pero cs padin. Sarap sa feeling makaraos at mailabas si baby ng safe kahit sobrang hirap. Ganon pala talaga yung feeling pag nag la-labor halos mag wala ka na sa sakit hindi mo alam gagawin mo gusto mo mang away. Pero sa huli mapapalitan lahat ng saya at pasasalamat.
Salamat din sa asian parent na sobrang nakatulong sakin sa pag bubuntis ko at sa mga mommies na nag share ng story about sa experiences nila at sa mga sumagot sa mga katanungan ko. Sobrang laking tulong po samin ni baby lahat. Isa po kayo sa dahilan ng pagiging safe namin ni baby.
I am officially a mother! Thank you Lord for my first baby boy. ❤️☝?
Arielle