39 weeks and 3 days. ❤️
EDD: April 21, 2020
Birthdate: April 17, 2020
Normal delivery dapat na nauwi sa emergency cs.
April 17 - 3:30am
Papunta ko sa cr para umihi, umupo muna ko sa kitchen para uminom ng tubig. Suddenly, may lumabas saken, kala ko naihi na ako. Pagpunta ko sa cr, I saw white discharge na may blood. Medyo madami. Tumawag ako kay ob, malapit na daw yun sabi niya.
I decided to sleep again then I woke up at exactly 7am para umihi ulit. May lumabas nanaman, mas madami. Sabi ng ob ko punta na ko sa hospital and dalhin na gamit. That time pahilab hilab na din pero kaya pa.
Pagdating sa hospital chineck heart rate ni baby, okay naman. After 2 hours nagpa bps ultrasound kami as requested ni doc. 6/8 ang score ni bps.
0 - breathing
2 - body movement
2 - muscle tone
2 - amniotic fluid volume
Total 6/8
Nung nakita ng ob ko ung result, inexplain nya agad samin then she let us decide pero sinabi nya kung anong risk kung pipilitin namin i-normal delivery (since normal ung sa panganay ko nung 2016). And if pipilitin namin manormal delivery eh need daw namin pumirma ng waiver na kami may gusto ng normal delivery kahit sinabi na samin yung risks.
Siyempre pinili na namin kung san safe si baby which is CS na talaga kasi need na niya mailabas agad.
Ayun, pinasok ako ng 3pm, natapos ang operation ng before 4pm. Ang bilis lang. Narinig ko na ung iyak ni baby pero di siya nilapit agad sakin kasi need sya mamonitor ni pedia. Naiwan ako sa operating bed habang tinatahi pa ung hiwa ko. ?
Sa awa ng Diyos nakalabas agad si baby and nakabawi na siya sa paghinga paglabas niya. Salamat sa mga mamshies na tumulong sa mga tanong ko.
Meet my baby girl Fleur Elisse. ❤️