Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mom Of Two
Hospital Rates Cavite
Sino po nanganak recently and from Cavite po or nearby areas? Ask ko po sana mga to: Hospital name: Total Amount Due: Normal? CS? VBAC: Type of room (private or ward): OB name: Contact number if available: On my 24th week. Medyo kasi mataas rates na binigay nung last ob ko nasa 100k 😅
Finally. ❤️
39 weeks and 3 days. ❤️ EDD: April 21, 2020 Birthdate: April 17, 2020 Normal delivery dapat na nauwi sa emergency cs. April 17 - 3:30am Papunta ko sa cr para umihi, umupo muna ko sa kitchen para uminom ng tubig. Suddenly, may lumabas saken, kala ko naihi na ako. Pagpunta ko sa cr, I saw white discharge na may blood. Medyo madami. Tumawag ako kay ob, malapit na daw yun sabi niya. I decided to sleep again then I woke up at exactly 7am para umihi ulit. May lumabas nanaman, mas madami. Sabi ng ob ko punta na ko sa hospital and dalhin na gamit. That time pahilab hilab na din pero kaya pa. Pagdating sa hospital chineck heart rate ni baby, okay naman. After 2 hours nagpa bps ultrasound kami as requested ni doc. 6/8 ang score ni bps. 0 - breathing 2 - body movement 2 - muscle tone 2 - amniotic fluid volume Total 6/8 Nung nakita ng ob ko ung result, inexplain nya agad samin then she let us decide pero sinabi nya kung anong risk kung pipilitin namin i-normal delivery (since normal ung sa panganay ko nung 2016). And if pipilitin namin manormal delivery eh need daw namin pumirma ng waiver na kami may gusto ng normal delivery kahit sinabi na samin yung risks. Siyempre pinili na namin kung san safe si baby which is CS na talaga kasi need na niya mailabas agad. Ayun, pinasok ako ng 3pm, natapos ang operation ng before 4pm. Ang bilis lang. Narinig ko na ung iyak ni baby pero di siya nilapit agad sakin kasi need sya mamonitor ni pedia. Naiwan ako sa operating bed habang tinatahi pa ung hiwa ko. ? Sa awa ng Diyos nakalabas agad si baby and nakabawi na siya sa paghinga paglabas niya. Salamat sa mga mamshies na tumulong sa mga tanong ko. Meet my baby girl Fleur Elisse. ❤️
38 Weeks And 2 Days - What To Do To?
Hi mga momshies, 38weeks and 2 days ako ngayon. April 21, 2020 due date ko. Pag hapon and gabi madalas humihilab chan at puson ko and madalas medyo masakit sya pero hindi pa tuloy tuloy talaga na matatawag na active labor na. Ano po bang pwedeng gawin para makaraos na? Malapit na din kaya ako maglabor since madalas na ung hilab nya? Ayoko kasi sana umabot ng 40 weeks and up since takot ako baka kung ano mangyare kay baby like makakain ng poop. Thanks sa mga sasagot. ?❤️
ULTRASOUND - MANILA AREA
Mga momshies. 37weeks and 5 days na po ako. Need magpaultrasound kaso walang open na clinics. And sa hospitals, emergency ultrasound lang daw. ? Pahelp naman po. Sino po nakapag paultrasound this week? San po may open at tumatangga kahit hindi emergency? Manila area po sana. Salamat po sa sasagot. ❤️
TINY BUDS RICE BABY BATH
Sino po gumagamit ng ganto for their baby? Okay naman po ba sa newborn baby?
DRA. JUANITA LEE OF OLLH
Meron po ba ditong recently nangangak sa Our Lady of Lourdes Hospital under Dra. Juanita Lee? Magkano po inabot ng bill niyo? Normal or CS? Ward, semi private, or private room po? Thanks in advance sa makakasagot. Malaking tulong po. ❤️
GENDER @ 27 Weeks
Sure na kaya yung gender ni baby???? Sabi kasi nung ultrasound 100% baby girl. Wala talagang lawit kahit saang anggulo. Sana sure na, puro pa naman pink pinagbibili ko na damit.. ???
Breastmilk. ?
Super thankful na may lumalabas na sakin na breastmilk kahit 24 weeks palang ako. Sabi ni ob mas maganda daw kasi sure na hindi mawawalan si baby once lumabas na sya. Mga mommies sino sainyo maaga din nagkaroon ng breastmilk?
CALCIUM VITAMINS
Ano po magandang take na calcium vitamins?
ST. JUDE
Sino po nanganak na sa St. Jude sa may Dimasalang sa Manila? Maayos po ba Labor Room, Delivery Room, Private Room nila? Magkano po bill niyo dun or package na binigay sainyo?