Finally. ❤️

39 weeks and 3 days. ❤️ EDD: April 21, 2020 Birthdate: April 17, 2020 Normal delivery dapat na nauwi sa emergency cs. April 17 - 3:30am Papunta ko sa cr para umihi, umupo muna ko sa kitchen para uminom ng tubig. Suddenly, may lumabas saken, kala ko naihi na ako. Pagpunta ko sa cr, I saw white discharge na may blood. Medyo madami. Tumawag ako kay ob, malapit na daw yun sabi niya. I decided to sleep again then I woke up at exactly 7am para umihi ulit. May lumabas nanaman, mas madami. Sabi ng ob ko punta na ko sa hospital and dalhin na gamit. That time pahilab hilab na din pero kaya pa. Pagdating sa hospital chineck heart rate ni baby, okay naman. After 2 hours nagpa bps ultrasound kami as requested ni doc. 6/8 ang score ni bps. 0 - breathing 2 - body movement 2 - muscle tone 2 - amniotic fluid volume Total 6/8 Nung nakita ng ob ko ung result, inexplain nya agad samin then she let us decide pero sinabi nya kung anong risk kung pipilitin namin i-normal delivery (since normal ung sa panganay ko nung 2016). And if pipilitin namin manormal delivery eh need daw namin pumirma ng waiver na kami may gusto ng normal delivery kahit sinabi na samin yung risks. Siyempre pinili na namin kung san safe si baby which is CS na talaga kasi need na niya mailabas agad. Ayun, pinasok ako ng 3pm, natapos ang operation ng before 4pm. Ang bilis lang. Narinig ko na ung iyak ni baby pero di siya nilapit agad sakin kasi need sya mamonitor ni pedia. Naiwan ako sa operating bed habang tinatahi pa ung hiwa ko. ? Sa awa ng Diyos nakalabas agad si baby and nakabawi na siya sa paghinga paglabas niya. Salamat sa mga mamshies na tumulong sa mga tanong ko. Meet my baby girl Fleur Elisse. ❤️

Finally. ❤️
73 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

After 16 years, nasundan ang dalagita ko. Im 38 weeks and 4 days today, decided to undergo CS on aug.25 dahil yung cord nya nakapalupot sa neck nya. Ang due date ko talaga is Aug.30. Ayoko na mag risk for nomal kung ma eemergency din ako for CS. Beside Im already 39 at risk n rin in my age at nagkaroon din ako ng GD. Please pray for me and my baby mga momshies. August team...THAT IN ALL THINGS, GOD MAY BE GLORIFIED!!! KEEP SAFE MGA MOMSHIES...

Magbasa pa

Congrats po and God bless mamsh. Sana all huhuhu April 16 Edd ko di na ko mapakali 40 weeks and 3days na ko now pero puro pananakit lang ng puson nararamdaman ko :( sana manganak na ko. Baka macs na din ako

Salamat Lord at ginabayan mu Ang mag-inang ito.Congrats mamshie!pagaling ka.keep safe and God bless to both of you.🙏🙏🙏🙏😊😊😊

Congrats po! ganda ni baby girl. Hm po nagastos nyo mamsh? and totoo po bang kasama sa payment nyo mga PPEs ng mga Doc and nurses?

Anung feeling ng cs momsh ? At ilang oras po tgal ng cs nyo due date ko na kc takot ako ma cs o sign of labour prin ako

Ang ganda Ng lips Ni baby 😍 truly a gift of heaven . God bless baby . Sana ganan din ka pretty si baby ko ☺️

Waaah! Same tayo ng due date pero until now no sign of labor pa rin 😭 sanaol talaga.. Anyway, congrats momsh!

Cute nmn po ni baby 🥰 .. Ask ko lng po Mgkano po nagastos mu sa cs?

Congrats po. God bless 💕 may I know saang hospital po ito?

Aaang cuuuutee 😘😘 Magkano lahat binayaran moms pag CS?