Preggy questions..

37 weeks na po ako.. and ask ko lang po kung may same case din po ba dito na nasakit yung cervix/vagina niyo tuwing uupo or tatayo, mag lalakad? Hindi pa naman po naninigas yung tummy ko and wala pang sign ng labor talaga pero pansin ko lagi nasakit yung cervix/vagina ko :/

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same here, 36 weeks na ko and masakit talaga groin kapag naglalakad. 32 weeks palang ako naramdaman ko na to and nakatulong sakin is yung support belt and kapag matutulog naglalagay ako ng unan sa pagitan ng thighs ko. Then pag umiikot ako sa pag tulog dapat sabay yung pag ikot din ng dalawang thighs para di na makadagdag sa pressure. Nawawala naman yung sakit. since 36 weeks na ko inistop ko na yung pag suot ng support belt kaya nararamdaman ko na sya ulit 😅

Magbasa pa

Same sis hanggang sa pag tulog di na ko makatulog ng maayos kase ang saket nya lalo na yung left hips ko ang kirot parang naiipitan ng ugat pababa ng legs tapos yung sa pempem ko ang kirot din lalo na pagbiglang tayo para kang matutumba.

2y ago

opo ganun na nga mi.

Same here, 37 weeks and 4 days latest IE close pa rin pero ramdam na ramdam ko po ito lalo sa umaga, ung pressure daw po tlga sa pelvic and madalas na dn tlga ang back pain since mabigat na si baby 😊

Same here. 33 weeks lang ako now. Nag start ako maka feel ng ganiyan 32 weeks. Sabi nung nagpa check up ako because of pressure daw. sa bigat ni baby at medyo mababa na ang pwesto

2y ago

*35weeks

Same, 27 weeks pa ako huhuh Ob advised me to wear belt support. Ramdam ko kapag matagal ako tumatayo masakit sa vagina banda (dahil nga guro sa pressure ni baby)

37 and 4 days now. masakit po talaga. naka pag ie na hindi pa naman bukas pero nasa baba na ung ulo ni baby daw. preparation siguro ng katawan kaya hirap na din gumalaw

ako sis saktong 37 weeks ako nanganak no sign of labor, natagalan lang ako sa pag push dahil 1st time 2hrs lang labas na si baby 😊

2y ago

wow pano mo nalaman sis na manganganak ka ni if no sign of labor?

same momshie at 37weeks now ..kapag gumagalaw si baby kumikirot ari ko and mabigat na sa bandang puson .

normal lang since kabuwanan na. dahil sa pressure ng bigat ni baby yan at kung nakapwesto na

same here sis. minsan di pa ako makalakad agad dahil sa sakit. sabayan pa ng paninigas ng tummy.