Panic

34 weeks today and just had my ultrasound earlier. Since nakauwi kame ang tahimik ko lang. Tanung ng asawa ko kung bakit daw may masakit daw ba saken or may iniisip daw ba ako. Hindi ko lang masabi sa kanya na nagpapanic na ako silently. Ngayon lang nag sink in saken na magiging nanay na ako in a few weeks at hindi ako handa. Magiging mabuting nanay ba ko? Kaya ko bang mag alaga ng bata e napaka igsi lang ng pasensya ko. Panu kung may emergency st mapahamak ang anak ko? Ang dami kong naiisip at sobrang worried ako. Ready na lahat, ready na mga gamit kumbaga si baby nalang kulang pero ngayon ko na realize na ako pala ang hindi pa ready emotionally. Sobrang takot ko baka may magawa akong mali at mapahamak ang anak ko. 28 na ko pero feeling ko hindi pa rin sapat ang maturity ko para mag alaga ng bata. Alam kong mamahalin ko si baby at gagawin ko lahat para sa kaniya pero panu kung di pa rin sapat yun?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Love conquers all. If u know na mamahalin mo siya, then susunod na diyan ang patience. At magiging mabuti kang ina kung ang unang iisipin mo ay kapakanan at kabutihan ng anak mo. Have a safe delivery. God bless you.