Takot Manganak

32 weeks nako, ftm 23yrs old. Lagi sinasabi sakin ng ilan na sobrang hirap manganak, baka di ko kayanin. So ano un? Mamatay ako? Kasi sa totoo lang oo natatakot ako pero nangingibabaw yung excitement ko sa pagdating ng baby ko, at alam ko may tiwala ako sa baby ko na di nya ko papahirapan at bbgyan ako ng lakas ng loob at pangangatawan sa araw na yun, pero lahat sila tinatakot nila ko so minsan natatakot nadin ako. ? Cheer me up guys ?

63 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ftm rin mamsh 21 yrs old, pero pag may nagsasabi sakin na mahirap pag ganto ganyan pasok sa kaliwang tenga labas sa kanang tenga. Kasi kung magpapatakot ka sa mga sinasabi nila matatakot ka talaga. Ang isipin mo nlng mamsh ung makita mo baby mo. Ako di ko na iniisip ung sakit kasi normal lang naman na dadaan tau sa sakit na yan pero iniisip ko lang lagi nd ung sakit kundi ung makita ko baby ko. Kumbaga parang nag sskip na ung sakit ng labor pag naiisip kong manganganak na ako 😊😊. Much better na kausapin mo about sa pregnancy ung magbibigay ng positivity sau.

Magbasa pa