Oligohydramnios (1.7cm)
31 weeks akong buntis ngayon, may chance ba na mapanganak ko ang baby ko ng full term? Ano kaya pwedi ko maitulong sakanya para maging okay na siya. Yung kidney daw niya malaki para sa edad niya. Gustong gusto ko na talaga magka Baby kaya sana walang mangyaring masama sa Baby ko at gusto ko mapanganak ko siya ng normal at walang kapansanan. 1st Baby ko ito, gusto ko healthy siya. Ano pwedi kong gawin para mag normal yung kidney niya at dumami panubigan ko para di na siya mahirapan? Nakakastress isipin lahat pati yung gastos, every 2days need ko magpa NST tapos every 2weeks ang checkup ko may kasamang ultrasound lagi kapag nagkaproblema pa sa NST need ko bumalik agad sa OB ko kahit wala pang 1wk yung checkup namin nung last para matignan kondisyon ni Baby. Kapag pinanganak ko daw siya ng premature nasa 100k+ tapos kapag full term nasa 60k+ e kaso ngayon palang andami na nmin ginagastos pano kami makakapag ipon ng pampaanak at paubos na pera namin, tinry ko din magbusiness kaso di naman sapat yun para ipanggastos nasa 100 pesos lang kita ko sa isang week. Araw araw nagsisearch ako kung pano mapadami tubig sa panubigan ko para kahit papano matulungan ko baby ko, awang awa ako sakanya na nasa tiyan ko palang siya hirap na hirap na siya ang kaso same same lang nababasa ko na need ng madaming tubig, ginagawa ko naman yun pero di nagbabago dami ng tubig sa panubigan ko, natatakot din ako na baka may mangyaring masama sa Baby ko, pero araw araw pinagdadasal ko na maging normal na lahat sakanya. Kahit di ko pa nakikita Baby ko mahal na mahal ko siya at awang awa ako sa kalagayan niya, every check up at NST nagwoworry ako bat ganun. Sana maging okay na Baby ko, umaasa talaga ako na mapanganak ko siya ng full term ng maayos 🙏