Ano po ba dapat?

Ano po dapat gawin ko? Nagkaproblem po kase sa kidney baby ko sa tiyan 7months palang akong buntis ngayon. Ngayon nirefer ako ng OB ko sa perinatologist tapos sabi sakin ng perinatologist dapat daw every 3days daw nagpapa non stress test daw ako tapos may dalawang klase pako ng ultrasound sakanya. Tapos sinabi niya sakin yung possibility na maging gastos ko kung manganak ako ng premature ang baby ko. E hindi naman namin kaya yung ganong halaga lalo na di kami makakapag ipon lalo pa nababawasan pera namin kasi every 3days nga yung NST. Pwedi kaya na sakanya ako pacheck up pero sa public hospital nalang ako manganak para di namin problema san kukuha ng pera? Pasagot naman po please.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes, choice mo parin San ka manganganak.. pero dahil maselan lagay Ng baby mo Verbalize mo concern mo sis. Maiintindihan ka nman niyan ni doc. Para makakuha k referral na galing sa knya. Ska bka affiliated din sa govt. Doctor mo may kakilala n Pwede humawak sa Inyo.