depressed

30 weeks pregnant na po ako. Sobrang hirap ng ponagdadaanan ko. Student po ako before getting pregnant pero may full time work na ako for 3 years na. Pinapaaral lang po ako ng ninang ko. Then kakaalam lang po niya na buntis ako. Pati family ko, 28 weeks lang po nila nalaman. Kasi di naman halata tiyan ko and 4th month pa lang, nagrent na po kami ng sariling place. Tanggap naman po sa side ko. Sa side ng boyfriend ko, ayaw eh. Kasi di po ako maganda. ? Mag 5 years na po kami ng bf ko, di pa ako nakikita sa side nila maliban sa lolo niya. Sinabi ng lolo niya nung unang beses niya ako nakita 3 yrs ago, na panget daw po ako. Nirate pa po itsura ko ? Hindi lang po yan, araw araw ako umiiyak kasi parang di pa rin nag sisink in sa bf ko na buntis ako. Lagi po ako iniiwan mag isa. Wala ako mautusan dito. Sakit na ng tiyan ko, ako pa rin po naglalaba at gumagawa ng lahat. Tas pag uuwi samin, galit pa. Tapos wala po siya ipon. Wala na kasi ako work, so siya na lang nagwowork. Sobrang kulang ng 20k++ na salary niya :( umasa siya masyado sa nakukuha ko na pera sa company ko. Minsan kasi isang sahod, nakaka 30k - 40k ako. Pero mabilis naubos kasi bumili kami agad bg gamit and naospital ako. Ubos na savings ko. Tas wala na akong work. Yung sss ko po sakto na 70k makukuha pero 1 month pa after :( Naiiyak po ako lagi. Kasi Private hospital po ako manganganak. Ayaw niya lumipat sa iba :( Araw araw ako umiiyak naawa na ako sa baby ko ? Hirap na rin ako kasi side ko lang po tumutulong. Since wala akong work, nagbibigay dad ko sakin ng 18k/mo para sa pang gastos pero kulang pa rin kasi madami kaming utang. Sa side niya, ayaw po magbigay :(

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Iwan mo na po yan, hiwalayan mo na. Umuwi ka na lang sa magulang mo, tiyak maalagaan ka nila kesa nagpapakahirap ka dyan prang lumalabas na kargo mo pa yang bf mo. Pano kapag nanganak ka na? Hindi ka pwede kumilos dahil mabibinat ka. Kung iniisip mo yung anak mo mawawalan ng ama, isipin mo din yung sasapitin nyo mag ina dyan kpag nag stay ka pa. Umuwi ka na sainyo para di ka nadedepress. Kung di mo pa alam ang gagawin mo tawagan mo na papa mo, pasundo ka na.

Magbasa pa
5y ago

Mas gagaan po kasi yung buhay at loob mo kung andun ka sainyo, sa comfort zone mo. yung mga kapatid mo pwede mo mapakiusapan na ibili ka ng pangangailan mo at tutulungan ka nila for sure sa gawaing bahay. Sa paglalaba naman damit nyo lang ni baby, wag ka na kumuha ng isa pang alagain at batong ipupukpok sa ulo mo, baka masiraan ka pa ng bait dyan. Mas maalagaan mo si baby at ang sarili mo sainyo. Pero po kung pamartyr ka dyan, nasasayo naman po yun.