depressed
30 weeks pregnant na po ako. Sobrang hirap ng ponagdadaanan ko. Student po ako before getting pregnant pero may full time work na ako for 3 years na. Pinapaaral lang po ako ng ninang ko. Then kakaalam lang po niya na buntis ako. Pati family ko, 28 weeks lang po nila nalaman. Kasi di naman halata tiyan ko and 4th month pa lang, nagrent na po kami ng sariling place. Tanggap naman po sa side ko. Sa side ng boyfriend ko, ayaw eh. Kasi di po ako maganda. ? Mag 5 years na po kami ng bf ko, di pa ako nakikita sa side nila maliban sa lolo niya. Sinabi ng lolo niya nung unang beses niya ako nakita 3 yrs ago, na panget daw po ako. Nirate pa po itsura ko ? Hindi lang po yan, araw araw ako umiiyak kasi parang di pa rin nag sisink in sa bf ko na buntis ako. Lagi po ako iniiwan mag isa. Wala ako mautusan dito. Sakit na ng tiyan ko, ako pa rin po naglalaba at gumagawa ng lahat. Tas pag uuwi samin, galit pa. Tapos wala po siya ipon. Wala na kasi ako work, so siya na lang nagwowork. Sobrang kulang ng 20k++ na salary niya :( umasa siya masyado sa nakukuha ko na pera sa company ko. Minsan kasi isang sahod, nakaka 30k - 40k ako. Pero mabilis naubos kasi bumili kami agad bg gamit and naospital ako. Ubos na savings ko. Tas wala na akong work. Yung sss ko po sakto na 70k makukuha pero 1 month pa after :( Naiiyak po ako lagi. Kasi Private hospital po ako manganganak. Ayaw niya lumipat sa iba :( Araw araw ako umiiyak naawa na ako sa baby ko ? Hirap na rin ako kasi side ko lang po tumutulong. Since wala akong work, nagbibigay dad ko sakin ng 18k/mo para sa pang gastos pero kulang pa rin kasi madami kaming utang. Sa side niya, ayaw po magbigay :(