3 weeks since nung na cs ako. 3 weeks and still adjusting sa buhay may anak. nakakapagod po talaga sobra 😔yung tipong kapag matutulog ka na, saka naman gigising yung anak mo. di mo alam kung nananadya o ano pero wala naman silang alam sa ganon. yung tipong gusto mo ng maligo kasi init na init at ang lagkit lagkit mo na pero wala ka namang mapag iwanan lalo gising siya. yung tipong minsan wala na sa oras yung kain mo or worst wala ka pang kain kasi kailangan mo unahin yung anak mong umiiyak kaya pag nakatulog siya, makakatulog ka na lang din sa pagod. yung tipong may mga bagay ka na gusto mong gawin pero di mo magawa kasi kailangan mo siyang padedehin. minsan napapaiyak na lang ako kasi parang di ko na kaya. don't get me wrong. i love my child. it's just that gusto ko lang minsan mag unwind alam niyo yon. andito naman partner ko pero need niya mag rest kasi call center agent siya. puyatan din. kahit minsan sumasakit tahi ko need ko buhatin anak ko para lang makatulog kasi alam kong she is comfortable in my arms. sobrang hirap maging nanay pala talaga. kaya sa mga mommies dyan, saludo po ako na napalaki niyo ng maaayos yung mga anak niyo. sa mga first time moms din, pakatatag pa po tayo. kaya natin to 😊