Nipple pain due to breastfeeding

3 weeks na po si baby pero tuwing mag lalatch sya sakin nasakit parin ng todo ang nipples ko cguro mga 30secs to 1min din masakit bago masanay sa pag suck nya. Nung week 1 nagsugat pa nga nipples ko at nilagnat ako sa sobrang sakit kaya napilitan kame bumili ng S26 pang supplement. Kelan kaya mawawala ung pain? Sa 1st child ko kase mixed feeding na talaga agad, pero dito sa 2nd baby ko exclusive breastfeeding nako. Every 2hrs din ako nag fifeed ang ramdam ko naman ang let down ng milk, as in tumutulo sa kabila habang naka latch si baby sa kabila, pero diko sure if enough ung milk supply ko kaso pag nag pupump ako 1 to 2 ounces lang nakukuha ko e. Sino po may same experience mga momshies?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

konti long Po need ni baby n milk sis. πŸ™‚ Lalo n Kung newborn.. Tama Po Yung pag Mali latch. ( nipple lng dinidede ni baby Hindi hanggang itim sa paligid) masakit Po talaga parang kinukurot na ewan. stimulate mo muna upper lip bago ibigay nipple para ngumanganga Ng malaki.. saka masubo ng maayos nipple hangang areola. nuod ka Po correct latch sa YouTube para d sumakit ska d mag dugo nipple mo sis.

Magbasa pa

Masakit lang naman yan kung mali ang paglatch. Hindi din S26 ang gamot o solusyon sa nagsusugat na nipples kasi merong mga nabibiling nipple cream.