11 Replies
ako ika 4th day na ko naligo. nirequest ko din kay OB na instead of gasa, tegaderm ang ilagay para double protection kasi waterproof un but still binalutan ko pa din tummy ko ng towel and asked help kay hubby nung naliligo ako just to be sure. Btw, naka 2 palit lang naman si OB ng tegaderm. 1st is nung bago ko lumabas kasi gasa pa nung una and then 2nd nung post cs checkup. siguro kung paranoid and worried ka like me, pwede mo naman kausapin si OB about your worries, open naman sila.
yung sakin po wala pang 2 days ako sa hosp nadischarge na ko 2nd day ko pinaliligo na ko ni OB. Pero di pa ko naligo mi pinakinggan ko muna yung katawan ko. Linis linis lang muna ng sugat, after a few days pinaliguan ako ng tubig na pinakuluan ng 7 iba't ibang dahon it helps ang bilis ng recovery ko wala pang 1wk nakakakilos na ko nakakalakad na ng maayos at di na gaano makirot yung tahi.
Naka-Tegaderm ang sugat ko which is malaking band aid na waterproof para di mabasa sugat ko, bago lagyan ng tegaderm alcohol then bactifree (mupirocin) ointment then tatakpan ng tegaderm. Pwede na ko maligo. 1 week yun bago tanggalin then repeat procedure. bali 6weeks ko siya ginagawa. But still, depende pa rin sa instruction ng doctor mo.
Na-CS din po ako 4yrs ago. Ung tahi ko meron nakalagay na waterproof na pad (nakalimutan ko na name nun). 3rd day sabi maligo na ako. Pang 5th na ako umalis ospital. Tas meron sumunod na check-up, nilinis ung tahi at pinalitan ung pad. Sumunod na check-up tinanggal na ung pad. Ganda kinalabasan. Walang keloid at parang line lang.
Ewan ko lang ha. iba iba kasi tayo ng OB, base sa experience ko sa OB ko nuon (CS din ako) bago ako madischarge sinabihan nya akong bumili ng gasa na waterproof para kahit maligo daw ako e hindi mababasa. So far okay naman tahi ko ngayon, mag 4yrs na...
oo araw araw nililinisan
kung alin makapagbigay ng peace of mind sa'yo mi pero pwede naman na talagang mabasa un. yan din sabi sa'kin pwede liguan pero binalot ko na lang muna for 1 week tapos nung tuyo na talaga tahi saka ko lang binasa.
Meron pong plaster na pwedeng mabasa Po. Ayun Po yung ginagamit ko kapag naliligo ako. tapos sa linis Naman Ng sugat betadine lang Po. bawal Po alcohol
Ako po mi naligo na bago umalis ng hospital. CS din po ako. Binasa ko na din sugat kasi lilinisin naman nya bago ako nun umalis hospital
Yung sakin po 2 weeks ako pinagamit Opsite para cover sa tahi during ligo para hindi muna mabasa. Naligo ako on the 3rd day after CS.
kung wala po mabiling tegaderm pwede po yung clingwrap na ginagamit sa food, lagyan lang po ng tape.
araw araw po ba nililinisan pag Naka tegaderm?
Lianne Yamamoto