Mga miii mali ba ako?

2weeks pp. mali ba na makaramdam ako na ayaw ko ipahiram si baby kay mil? Iyak kasi ng iyak si baby. Gusto ko kasi ako magpatahan sakanya. Tuwing iiyak kasi siya lagi kinukuha ni mil. Nasasaktan ako mga miii. Sinabi ko sa asawa ko na parang ayaw ko ipahiram muna, gusto ko ako magpatahan. Pero nag away lang kame. Dto kami nag stay kila mil. Nakakahiya kasi naririnig ung pag aaway namen. Di ko na alam gagawin ko mga miii. Madamot ba ko? 1st baby ko po ito, gusto ko matutunan kung paano plakihin si baby. Pinapahiram ko naman si baby sa madaling araw gang umaga. Sila ang nagpapa araw at nagpapaligo plagi kay baby. Napepressure ako dto sa bahay nila mil kasi pag iiyak na si baby parang kukunin na sakin which is true naman po. Maya maya anjan na lola niya kukunin sakin. Parang ayoko po kasi…Pa advise naman mga miii. Nahihiya na din ako dto sa bahay nila mil. Ako ung naiipit. Gusto ko na bumalik samin 😢

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hindi po ba kayo magkasundo ni mil kaya di magaan ang loob mo sa kanya? swerte nyo na rin po kasi may taong willing mag alaga ng baby mo kasi 2 weeks pp ka pa lang ung iba naghhahanap ng yaya para lang may mag alaga ng baby nila. If hindi po kayo magkasundo ni mil, try mong ilapit loob mo sa kanya pero kung hindi talaga mangyari bumukod kayong pamilya. mag salita ka po kay mil na gusto mong magpatahan ng anak mong umiiyak if di nya nagustuhan ang sinabi mo well gorabels ka na dyan

Magbasa pa