27 Replies

di ba kayo okay ni mil mi ? o Kaya kausapin mo rin ng in a friendly way na minsan gusto mo rin ikaw magpatahan. pero okay nga rin si mil kinukuha ang baby para ipatahan kasi sa katagalan minsan mapapagod ka ikaw na mismo maghahanap na magkusang tutulong sayo. need din kasi ng rest ng katawan okay nga si mil mo mi kasi wiling sya tumulong Kunin mo in a positive way yang tulong na binibigay Sayo alam ko pakiramdam mo mi parang inuunahan ka di ba but accept mo na lang minsan kasi sa katagalan talaga mapapagod ka one time gusto mo may humawak ng bata at makapag relax konte. adjust ka na lang konte mi. ako nga biyenan ko gusto kunin dalawang bata but ayaw ng asawa ko but uuwi kami sa June sa probinsya Sabi ng Asawa at mil ko sila muna bahala sa dalawa while magrerest ako dun sa ilang araw na magstay kami dun, 1 month baby ko at isang 2 yr old toddler ako lang nagaalaga. nung nanganak ako sa first baby ko ganyan din pkiramdam ko umawi nga ako sa amin eh kasi dapat 40 days kami sa bahay ng nanay ko base sa tradition ng family namin ayun sinakto ko na rin para maiwasan side ni lip ko but now iniisip ko sana minsan may time na makasleep ako ng straight para makabawi pero nagagawa ko rin naman yun kasi ung lip ko siya minsan nagaasikaso whole day and night. nakakapagod magalaga ng bata minsan maiinis ka di mo maiiwasan kasi nga kulang ka na sa pahinga prone pa naman tayo sa post partum depression sa una kaya appreciate mo lang ang help ni mil sau kahit nakakaoffend sya kasi parang inuunahan ka lang malaking help Yung ginagawa nya. tsaka be happy gustung gusto asikasuhin ang baby mo pinapahalagahan nila ang anak mo mi at the same time may chance ka magrest. sa una kasi yan sobrang excited tayo gusto natin lahat tayo walang makakapigil but darating talaga ang time mi kapag nagtuloy tuloy ang pagod at puyat ikaw na mismo gugusto na may maghandle man lang ng baby saglit kahit mga ilang oras.

maswerte po tayong mga ftm na may nkakatulong sa pag aalaga sa baby natin.. magkaiba lang tayo mii, sa part ko naman is yung Nanay ko ang sobrang maalaga sa baby ko, na feeling ko bunso ko na siyang kapatid kase love na love siya ng lola nya, marinig lang na umiyak pinupuntahan agad niya, pag madaling araw hinahayaan nya ako mkatulog kinukuha muna niya, minsan nga tumatabi pa samin sa pagtulog.. dagdag pa yung hipag ko na na siya yung nagpapaligo nun sa baby ko, since CS ako di pa ako mkagalaw ng ayos nun, madalas sinisilip nya kami ng baby ko sa kwarto titinignan if need ko ng tulong.. napakalaking bagay po nun na para bang mahal na mahal nila yung baby mo, kaya sobra ako pasalamat, kahit pa minsan mas tumatahan pa sknila yung baby ko, kesa pag karga ko sila, kase at the end of the day sakin paring baby yun. npakarami pa naming time to bond together.. 😉

Same tayo mi. Sobrang lapit ng baby ko sa mama ko. As in parang sya na yung nanay. Walang problema sakin masaya ko na close silang mag lola. Pero pagdating sa MIL ko, inis na inis ako pag kinakarga nya hahaha minsan lang sila magkita pero di ko talaga feel na karga nya. Madalas kasi hinahalikan ganon. Kaya nabbwisit talaga ko 🤣

sa july pa lang ako manganganak pero madalas sabihin ni mil sa iba na "baby ko yan eh", "sa akin yan tatabi kapag matutulog" which is nakakaramdam ako na hindi ako komportable lalo at ftm ako. Matagal namin hinintay to for almost 5 years kaya parang gusto ko maenjoy ko bawat segundo sa papalabas ko na baby but dont get me wrong kasi alam ko sabik din sa apo ang mil ko at since close kami binibiro ko siya na " sige Ma ah ikaw magpapadede😅" ayun magtatawanan na lang kami. Valid ang feelings natin mga mommies regardless. Its up to us kung paano natin i-take ang mga bagay bagay sa paligid. Maganda din na may helping hands tayo at malakas ang support system natin. Cheer up mommy🥰 mas maganda pag usapan mabuti para di ka din ma misinterpret ni mil mo🥰

nako ganyan feeling ko before. pero matigas kasi ako . tyaka nag sasabi ako kay hubby na hangat kaya ko hayaan ako ang gagawa kasi paano ko matutunan kong di ako mismo ang gagawa . syempre first baby aaralin mo pa lahat . peeo pag may mga bagay naman na di na abot ng kakayahan ko or nag aalangan ako nag papatulong din naman ako buti nalang talaga super understanding din pamilya n hubby , di man perfect kasi minsn napapagsabihan ako o nakokorek ako, ok lang give and take then mahabang haba unuwaan . kasi studyante palang tayo e . lahat naman ng feeling natin valid e ☺️ kaya mo yan mi. tyaka may mga ganyan tayong mararamdaman after birth talaga . so dapat unawaan sa both sides 💖 goodluck mi

as an expecting first-time mom myself, I would feel the same. Lalo baby pa we should build the connection between the mother and baby (based on my research). Besides, kung hihingi naman tayo ng tulong sana doon na lang dumating si mil. That's your baby, momshie, you have all the right to feel that way, ang ipagdamot si baby. Kung tuturuan ka nila to properly soothe the baby then good, pero wag sana kunin sayo dahil ikaw ang mother, you should be the first to act for the needs of your baby, specially if it is about your bond with your baby. Search mo momshie yung mother and baby bond at ipakita mo sa asawa mo. Mali na magalit po sayo si husband kahit ano pang reason nila, ikaw at ikaw po ang ina.

Very territorial kasi talaga ang mommies lalo pag bagong panganak mi. Valid naman feelings mo. Baka naman gusto lang din nga makatulong ni MIL pag umiiyak si baby. Pero i get your point. Hehe. Ako din kasi ganyan kay MIL, ayokong hinahawakan nya. Parang wala akong tiwala. Sakin naman kasi palaging may unsolicited advice si mil. Yung tipong "painumin ng tubig" e wala pa ngang 6 mos. "Ibigkis" e wag nga daw sabi ng pedia. Nagkasakit si baby ang sabi "lagyan ng chinese herbal meds yung gatas". Jusko maloloka ko kaya ayoko na ipahawak sakanya. Pinagkaiba lang natin, hindi kami sakanya nakatira.

napansin ko on my end 3-5 months super unstable emotions ko.. i guess its normal hehe since maraming changes ulit nangyayari sa katawan after giving birth - especially sa hormones na napoproduce ulit ng body. kala ko nga nasisiraan na ako ng bait.. kaya importante talaga ang support system (wala ako nun since malayo ako sa family ko. 3 months na literal kami lang ng baby ko halos magkasama - ang tatay nasa work lagi at gabi na kung uuwi at pag uwi ay agad tulog pagkatapos kain haha - kaya nakakasira ng bait at times on my end dati) pero kaya naman basta may healthy coping mechanisms

Valid yang feelings mo pero ganyan talaga kapag nakikitira lang,may mga bagay na d mo magugustuhan. Sa lugar/tahanan na yan,MIL mo ang reyna,hindi ikaw. Yung mga nararamdaman mo wala kang choice kundi ikubli nalang kasi ikaw ang lalabas na masama. Panget din naman kung uuwi kayong mag-asawa sa bahay mo,bilang babae d naman din yun magugustuhan ni partner mo. Dapat may sarili kayong tirahan mag-asawa, kahit paupahan lang pansamantala. Dapat naman talaga may sariling bahay ang mag-asawa at hindi nakikitira lang..

Sakin si Mil toka 10am-7am.. Then ako na sa Day.. Pero yes mi, di maiiwasan makaramdam ng pagdadamot lalo na kng alam mong kailangan ka ng baby mo, pero di rin naman masama na mag bgay ka ng tiwala sa mga kasama mo sa bahay. Basta alert ka lan. Kase kaht minsan gsto nila sila magpatahan, meron time na ikaw at ikaw lan hahanapin ng anak mo. And dapat mas marami kang quality time as much as possible sa LO mo Mi, kase para ung attachment as a Mom, andun parin. Baka mmya akla ni LO si Mil mama nya

hindi po ba kayo magkasundo ni mil kaya di magaan ang loob mo sa kanya? swerte nyo na rin po kasi may taong willing mag alaga ng baby mo kasi 2 weeks pp ka pa lang ung iba naghhahanap ng yaya para lang may mag alaga ng baby nila. If hindi po kayo magkasundo ni mil, try mong ilapit loob mo sa kanya pero kung hindi talaga mangyari bumukod kayong pamilya. mag salita ka po kay mil na gusto mong magpatahan ng anak mong umiiyak if di nya nagustuhan ang sinabi mo well gorabels ka na dyan

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles