Nakakasama ba maligo from 9am hanggang hapon ang isang buntis?

25 weeks pregnant na ako now. Mostly 9am to 10am ako naliligo. Pero bawal sa paningin ng byenan ko. Kasi hindi daw pwede sa buntis maligo ng ganitong oras hanggang hapon. Dapat daw maligo ng mas maaga pa sa 9am. Pero, nakasanayan ko na kasi. Ang hirap kapag ganito byenan mo, sa iba mo pa talaga malalaman yung mga sinasabi nya. Hindi man lang deretso na kausapin ako. Ang hirap makipagsabayan ๐Ÿ˜… Feel ko mali lahat kinikilos ko. First time mom here. ๐Ÿ‘‹

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hehe. Huwag ka magpapaniwala sa oras na idinikta sa iyo ng byanan mo, Mommy. Ako nga po eh naliligo pa sa gabi. At kahit anong oras gusto ko. Sya nga pala, nakabukod kami at wala ako ibang kasama maliban sa asawa ko. ๐Ÿ˜… Di kasi tayo parepareho ng body temperature mga nagbubuntis eh. Kelangan maging kumportable ka kung talagang nakakaramdam ka ng matinding init sa katawan.

Magbasa pa
VIP Member

ako nga gabi naliligo minsan di nga ako naliligo. hahahahaha. Minsan naman 3x a day naliligo. Mag bukod po kayo kasi mahirap dalawa ang reyna sa bahay. Ngayon buntis ka na ngingialam na what more pag nanganak kna at nag papalaki ng bata. Di maiiwasan mag didikta talaga yan mhie. ikaw lang ma stress dyan.

Magbasa pa

share ko lang mga mii yung tatay nman ni baby ang ma pamahiin sa ganyan sobrang hirap, hindi ko rin alam kung totoo ba dahil naliligo ako bago matulo 10-11pm gabi na rin mga mii dahil rin sa di ako makatulog pag di naligo ng gabi

Same tayo mi 25 weeks pero pinaka maagang ligo ko pag checkup 9am kapag hindi naman 10:30am tapos pinaka late na ligo ko 6pm pa nga hahahah buti nalang naka bukod kami wala naman kinalaman yung pag ligo eh.

12mo ago

๐Ÿ˜ฉ๐Ÿ˜ฉ

Ako na 12am ang start ng shift 1st trimester ko kaya 10pm naliligo. Oki naman po si baby at ako. Cold water straight from shower kasi wala kaming heater at tamad ako magpakulo ng tubig. ๐Ÿฅฒ

ako nga dito no need ra na everyday maligo kasi masakit daw katawan mo pag manganganak kanah..pro ako everyday naliligo para fresh..ginagaya siguro ng biyanan ko sa katawan nya..

Di ako naniniwala dyan. Alangan tiisin natin init sa gabi ako mostly naliligo ako ng 12am kasi di ko kaya init talaga sa totoo lang hirap matulog kapag sobra init.

yan talaga hirap kung meron kang byenan na mapamahiin hahaha mas maniwala ka sa ob mo momshie

12mo ago

naku wag kang maniwala.... sa biyanan mo... ako nga pag naiinitan ako ng tanghali kahit naligo na ko ng umaga ligo ulit ei.. ๐Ÿ˜‚

hahaha ako nga 3x a day naliligo minsan pa madaling araw 3am wala naman masama.

ako nga 6am pa naliligo kasi pumapasok pa ako sa work .