How does it feel like being pregnant while in a pandemic?
23 weeks and 5 days pregnant // I don't usually share pregancy updates even with my first born pero gusto ko lang magshare ng konti about how it feels like being pregnant in the middle of a pandemic. Honestly, ang hirap hirap talaga magbuntis. Alam na siguro ng karamihan sa mga nanay to. Pero alam niyo? Mas mahirap pala magbuntis habang nasa crisis ang mundo. Para bang times 2 na yung worry at takot mo ngayon kumpara sa pagbubuntis nung mga panahong normal pa ang lahat. Nakakatakot lumabas, makihalubilo sa mga tao, magpunta ng ospital, kumaen ng pagkaing galing sa labas. Nakakataranta pag yung kasama mo sa bahay inubo o nagkasakit. Nakakastress yung napapanood sa balita na araw-araw may namamatay or nahahawa sa virus. Grabe! Sa totoo lang, iilan lang yan sa napakaraming stressors ng mga buntis ngayong panahon. Meron pang gastusin na sobrang nagtataas na ngayon. Mas mahal na manganak ngayon kumpara noon. Meron pa ba? Marami pa! Hindi ko na maisa-isa. Pero alam niyo mas inaalala ko talaga yung pagkatapos kong manganak. Iniisip ko na agad yung magiging sitwasyon ng anak ko paglabas niya. Paano ko siya mapoprotektahan laban sa mga sakit na kumakalat ngayon. How will I keep my newborn healthy and safe? Naiiyak ako habang naiisip ko pa lang yun. Alam niyo, valid lang naman na maramdaman ng isang ina ang ganito eh. Our anxiety and feelings are there for a reason. People may not understand why mothers go through such horrible phase but it is definitely part of being a mother. But with the right amount of support, love, care and being surrounded with a healthy community and environment, mothers survive this phase. And they turn out stronger! Kaya para sa may mga kasamang buntis sa bahay, please take time to encourage them. Komustahin niyo ang mga asawa niyo. Make them feel that they are not alone and that they have all the support they need, whether it may be emotional, mental, or physical support. Simple lang naman yun. Iparamdam at ipakita niyo sakanila na hindi sila nag-iisa. Sa lahat ng mga mommies na buntis ngayon, isang malaking yakap (oops social distancing pala. Virtual hugs na lang. Hehe). 🤗 We will get through this! ❤️ #pregnancy23week #buntisharing #pregnant #Buntis #mommydiaries #pregnancyduringpandemic #babynumber2