Let's talk about being a SAHM
Hello AP! Share ko lang na grabe na yung nadulot sa mental health ko netong pandemic. Hindi ko alam kung ako lang ba yung ganito pero ever since na nanganak ako, (2019) hindi na ako nakalabas ng bahay unless essential na bilang lang sa daliri mangyari. Esp after a year na hindi naman maiwanan ng matagal yung toddler ko dahil EBF siya. Kahit gustohin kong mag relax kahit bodymassage lang, mas hindi na possible dahil sa pandemic. Hindi ka makaalis ng kama ng hindi magigising ang bata. Minsan toilet break lang meron ka. Don't get me wrong, mahal na mahal ko yung anak at asawa ko. Sa katunayan nga namimiss ko ang husband ko. Gusto ko lang ng break minsan. It has been awhile since we had our last date. Even intimacy, we cant do it but thats optional for us right now. We showed our love by doing our love language. Nakakaguilty nga pag iniisip kong kailangan ko ng break eh wala naman akong trabaho pero, ang pagiging nanay atbpunong abala sa bahay pala ang pinaka mahirap na trabaho. Totoong 24/7 ka dapat available hanggang sa hindi ka na kailangan ng mga tao sa paligid mo. Pero masasabi ko rin na fulfilling ito dahil nakikita mo araw araw ang anak at asawa mo, napagsisilbihan mo sila, araw araw mo nakikita yung mga bagay na pinaghirapan niyong mag asawa na ipundar. Sobrang kalat ng isip ko ngayon.. pero mukhang ito ang magiging Diary ko ngayong Pandemic. May makabasa man o wala. Tara usap tayo โค๏ธ#1stimemom #HealthierPhilippines #SAHM #AsianParenting