hindi kasal

2018 nagsama na kami ng bf q sa bahay namin, ,inaaya q sya magpakasal kahit sa howes lan pero ayaw nia , gusto nia kasi sa simbahan na mismo , sabi q saka nalan pag my pera na tau ,peru sa ngaun maikasal lan tau kahit sa howes ,talagang ayaw nia, , tas eto nakabuo na kami 14weeks na tian q , at un kua nia nabuntis din ang gf matagal na cla mga 5yrs na pero hindi pa cla nagsasama , palibhasa madami kamag anak un naipilit na ipamulong at ikakasal sa july 29 sa simbahan, ,nakaka inis lang kasi mauuna pa cla ikasal kesa samin samantalang una naman kami nagsama , palibhasa kasi hindi aq tanggap ng magulang nia lalu na ng mama nia , aq kasi first girlfriend ng anak nia eeh sya patatlo qna naging bf, ,shinare q lang dito kadi ang bigat na sa dibdib q , siguro sa iba mababaw pero sakin hindi

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Iwasan nyo po momshie yung mag isip ng negative sa iba lalo na po buntis ka mastress ka lang po kpag gnyan. Same lang tau ng nararamdamn pagdating sa mother ng husband feeling ko rin hndi ako gsto ng mama nya kse first gf din ako. Then may issue din sa mga kapatid nyang mga babae. Feeling ko din ayaw nila skin simula nlaman lng nila na buntis ako ng kapatid nila puro panlalait na nababasa ko sa groupchat nila magpapamilya kya Pinapabayaan ko nlang po pra po maiwasan ko ung maistress at magkaroon ng sma ng loob sknila at saka hndi ko na po masyado iniisip yung gnyan ksi ayoko nmn ipagsiksikan sarili ko sa hndi nmn ako gusto kaya ako na kusa lumalayo at iniisip ko nlang din ung baby ko dhil super blessed prin ako😊 mas makakabuti ksi na ipagpray nlang po ntin sila pra iwas po tau sa mga gnyang problema.

Magbasa pa

Emotional ka lang siguro dala ng hormones pero mukhang may point din naman si jowa. Hnd naman sa paunahan ang kasal. Ayaw mo ba nun, mas gusto ka nya pakasalan sa simbahan. Mas gusto nyang paghandaan/pag-ipunan ung kasal nyo kesa madaliin for the sake of makasal lang. Tsaka buntis ka ngayon, mas maiging mag-ipon muna kayo para kay baby. Siguro naman mag-aagree ka na iprioritize muna ang welfare ni baby kesa sa pangarap mong maikasal. Tsaka sure ka na ba? Wala nang urungan ang kasal, hnd sapat na dahilan ang magpakasal dahil nabuntis lang. Mas magandang magpakasal na ang rason mo eh sure na sure ka na sa partner mo at mahal na mahal nyo isat isa. God bless sa inyo ng family mo. Wag ka masyado magisip isp ng kung anu-ano kasi ikaw ang gumagawa mg ika-iistress mo. Relax lang, enjoyin ang pagbubuntis!

Magbasa pa

Di naman siguro sa ayaw niya talaga, baka lang di pa siya talaga ready, mahirap namang ipilit po sa bf mo kung ayaw niya pa. Intindihan nalang po kayo. Or baka naman, pinaghahandaan niya pa talaga yung church wedding niyo. Kausapin mo nalang siya maayos, at tanong kung bakit baka sakaling mas maintindihan mo po side niya at masabi mo din side mo.

Magbasa pa
VIP Member

Feeling ko ayaw pa talaga ng jowa mo magpakasal sayo. o hindi pa siya ready. o nagfefeeling binata pa. Or hindi pa siya sigurado sayo. Kami rin nagsama, sabi ko rin pa-secret marriage kami ayaw niya HAHAHAHAHA

5y ago

yun din gusto ko mangyari kaso nganga. pag ayaw wag na natin ipilit. :(

VIP Member

kaya mo yan sis.pray ka nalang