worry lang po...

20 weeks and 2days na po kami ngayon..kahapon at nung nakaraang araw super likot ng LO ko sa tummy ko..pero ngayon madalang lang syang gumalaw ...kaninang umaga gumalaw sya pero ngayong hapon ... Kahit isang galaw wala talag? ..nag aalala lang po ako sa kanya.. first time mom po.. ano po dapat kung gawin??

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i'm on the same number of weeks as you, minsan di mo talaga sya ramdam, i've read na minsan, natutulog lang din talaga c baby. try to rub your hands to your tummy most of the time as if you're rubbing him and talk to your baby. minsan, i myself, kinakapa-kapa ko sya and pinapakiramdaman yung heartbeat nya but if you feel like iba na talaga, then consult your OB na po agad para sure na ok c baby. i also had that kind of worries pero pagka check ng OB, ang active active naman ni baby.

Magbasa pa
5y ago

Un nga ung napansin ko ..tulog sya ng tulog... Pero pag midnight sya hyper😅 eh d ko na rin sya non maintindi gawa ng bumabawi ako sa tulog paggabi..

Try mo kumain or uminom ng pagkain na matatamis. Iyan advice ng ob ko but hindi naman effective sa baby ko. 🤣 May doppler kaba? Kung wala sabihin mo sa ob mo or di kaya baka sa madaling araw active. Yung baby ko din kasi sobrang likot sa madaling araw pero sa daytime ala talaga.

5y ago

Same lang din pala saakin. 🤣 Okay lang naman po iyan as long as walang changes. :)

Normal lng yan sis kasi first time mo lng hindi ka pa masyadong aware sa movement ng baby mo unlike sa mga 2-3 times babies gaya ko pang tatlo natong pinag bubuntis ko kaya kabisado ko na galaw ng baby ko sa tummy ko basta wala kang pain na nararamdaman at di ka dinudugo..

5y ago

Sige sis..pray lang tayo para sa baby natin... Alam ko malalampasan din natin to... Isasama ko nlang din ang baby mo Sa aking prayers at ang lahat ng mga babies...tatagan lang natin ang ating loob at wag tayong magpakastress

Naku mag pa check up kana. Ganyan din ako last baby ko hanggang sa 2 days na siya di gumagalaw. Puri naninigas lang tiyan ko. Kala ko ok pa si baby pero yung nag pa check na ako wala siyang heartbit sa loob :( 28 weeks pa nmn na yun

5y ago

Kaya nga eh..kaya di maiwasang matakot dahil sa kalagayan nya

Try mo kumaen ng sweets chocolate ganun para gagalaw di ko alam kung proven nabasa ko lang din un dito at tinry ko nung preggy ako lalo na pag di ko siya nararamdaman gumagana naman saakin parang na hyper siya sa loob

5y ago

Nagtry dn po ako non gumagalaw sya pero d na masyadong magalaw talaga ... Limited nalang movments nya..sa gabi mejo malikot sa kesa sa umaga pero kung iccompare ko ung galaw nya nung nakaraang araw eh mas active parin ung mga nagdaang araw kasi halos maghapon sya nagpaoaramdam kaya nagwworry talga ako ...

Try to eat something sweet and wait for about 10 to 20 minutes, gagalaw yan, monitor mo that within 2 hours dapat gumalaw siya. If not or baka di mo lang na feel, inform your OB.

5y ago

Cge po ...lagi ko nga sya kinakausap lalo na pag alam kong active sya😊....

Normal lng yan ako 20weeks and 4days minsan magalaw c baby minsan hindi... My oras kc na natutulog at my oras din na super kulit nila😂😂😂 parang nakarate

5y ago

Kaya nga eh..may time kasi na hindi sya nagpaparamdam kaya kahit ano nalang naiisip ko..😂 ang weird no😅

normal lang po yan sis, sabe din po sakin ng ob na di masyado mararamdaman pa ang galaw ni baby dahil first time pa lang, 20week and 3days na ako 😊

5y ago

Ganon po ba... Bigla lang kasi d ngaparamdam sya eh... Kaya agad ako nagworry ..salamat naman kung normal lang sya🙏.... D ko lang talaga maiwasang di magworry sa kanya

Normal lang po yan sis. Try mo po kumain ng chocolate para maghyper ulit si baby. And pray lang always para sa protection ninyo ni baby.

5y ago

Kaya nga po..narealize ko nga po baka todo rest lang talaga si baby kasi minsan kasi halos buong maghapon hyper sya eh😂

rub your belly while playing music... :) para magising sya.. usually ang pinaka malikot nyang weeks eh pag 30 to 36 weeks.

5y ago

Cge po try ko po ung i rub at kausapin sya..sana po ok lang baby ko