JOURNEY...

1yr, 2mos and 8days ago... 3days labor, hanggat maaari gusto ko na makapanganak ng normal mar 21, 2019 nararamdaman ko masakit na yun tyan ko, pati pipi ko, pag dating ng gabi pumunta kami sa lying in tapos nataon nun brown out dun sa baranggay kung nasan yung lying in, tas inie ako 1cm daw, so uwi daw muna kami kse maiinitan lang daw ako duon edi uwi kami tapos madaling araw ng 22 mas sumasakit pa balik kami sa lying in kaso nakailang balik din kami sa lying in ng march 22 pero walang nagbabago 1cm pa din ako kahit 24oras na ang lumipas, so gusto na ng asawa ko na mag pa cs ako kaso ayawko, mar 23 ganun pa din, walang pagbbago 1cm pa din, sa tingin ko ginawa ko na lahat para bumuka sipit sipitan ko, lakad, squat, pinainom pa ko ng hilaw na itlog, nakailang balik kami sa lying in, pero wala man lang silang ibang sinasabi kundi bumalik nalang kami, wala man lang din silang ibinigay na gamot o ano na sabi nun mga kaibigan ko na nanganak na, na dapat daw may pinaiinom na gamot pag malapit na manganak, tapos lumipas ulit ang maghapon ng mar 23, 2019 hanggang sa hindi ko na nakayanan yung sakit so pumayag na akong mag pa cs, pagdating namin sa ospital buti andun yung ob na kakilala ng kaibigan ko na isang beses lang ako nakapag pacheck up sakanya, tapos nun inie ako 1cm pa din, tinanong nya ko kung kaya ko pa daw baka manormal pa daw kaso hndi ko na talaga kaya yung sakit na nararamdaman ko at natatakot na din ako para sa baby ko kse nun maghapon na yun wiwi ako ng wiwi ng pakonti konti pero malabo na parang masebo, kaya sabi ko cs na, pagdating sa or sabi nun maglalagay ng anesthesia sakin na medyo masakit daw yung gagawin nya pero relax lang daw ako sabi ko naman sige lang po wala na atang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon, mas masakit po maglabor. tapos ayun 8:15pm ng mar 23 nailabas na si baby, tapos nun pinakita sya sakin saglit lang kse sabi nadinig ko na dalin agad sa nursery tsaka yung kulay nya parang light gray, hndi ko din agad nadinig ang iyak nya nun nailabas sya. tapos nun nasa recovery room ako pinipilit ko igalaw yung mga binti ko na sobrang manhid haha tapos naigagalaw ko inip na inip na ko nun gusto ko na makalabas ng recovery room kase pakiramdam ko gutom na gutom na ako, kada maidlip ako at pagdilat ko tinitignan ko yung orasan kung lalabas na ba ako duon, tapos paglabas ko nakita ko agad yung kaibigan ko sabi ko sakanya gutom na ko tapos pinagtatawanan pa nya ako kse hndi pa daw ako pedeng kumain sobrang nalungkot ako kse ilang araw ako naglabor hndi ako makakain ng mabuti? tapos nun nasa kwarto na ako akala ko makakasama ko na agad si baby kaso hndi pa daw pede kase naka oxygen pa daw sya ? nahihirapan na pala syang huminga nun nasa tyan ko pa sya. tas sabi daw nung ob na buti pala na nadala na ako agad kse paubos na pala yung panubigan ko. kaya sobrang natakot talaga ako nun kse pano kung hndi pa ako nagpadala sa ospital baka nawala na kami pareho ng baby ko? kaya ang maaadvice ko talaga ngayon kung kaya nyo naman na sa ob mag pa check up at sa ospital manganak gawin nyo wag nyo irisk yung buhay nyo at lalo na buhay ng baby nyo. kase sobrang nakakatakot, yung umiiyak ka dahil sa sakit at takot sobrang hirap. yan yung natutunan ko, kse baka kung nahuli pa kami ng ilang saglit baka nawala na yung pinangarap ko na anak. ngayon ayun sobrang kulit na nya at sobrang lambing din ?? minsan nakakapikon ang sobrang kakulitan pero bigla nalang mang uuto ngingitian ka at yayakapin pag kunyari nag iiyak iyakan ka? lalabas ka lang saglit sa kwarto iiyak na o kaya tatawag ng mama mama mama ?? hayy worth it lahat ng hirap, hindi mo na maiisip ang mga nagastos at hirap kapag nakikita mo silang masaya at mahal na mahal ka.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

true 😊😊😊 congrats sayo mamsh na nalagpasan mo yang experience na yan. by the way case tyo dun sa kung nahuli pa ng ilang sandali wala nrin c baby ko .. dry na daw kc ung chord ng placenta. pnakita sakin para na syang plastic. sabi ng midwife sakin kung bukas paraw ako nanganak wala ndw c baby.