Mataas daw po sugar anong magandang diet plan kaya ?

Mataas daw po sugar anong magandang diet plan kaya ?
9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Small, frequent meals sana. Kailangan maging mapili rin sa kakainin, at marunong ng portion control. Ang 1 cup rice ay equal sa 2 slices ng tinapay. Sa prutas, 1 pisngi lang ng mangga o kaya 5 pcs grapes, or 1 pc banana. Di pwede lahat sa isang araw. Mamili lang ng isa. Wag uminom ng soda, juice, iced tea. Kung magkakape, black lang. Sa gatas naman, low or non fat - wag iinom ng powdered. Try to switch from white rice to brown/red rice. Kung kaya, bawasan din kanin at palitan ng gulay. Iwas din sa chocolate, cakes, donuts. Sana makatulong ito, good luck mommy.

Magbasa pa