Meron ba ditong imbes na bumigat sa 1st trimester ay gumaan? :(

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

It is natural momsh na walang gana kumain pag 1st trimester, pero still wag po mag skip ng meal kahit konti lang kumain pa din po kayo. Yung dapat po ikabahala ay yung nasa 3rd trimester na nag decrease ung weight kasi may mali sa baby pag ganon. If ever bumalik na po ung gana nyo, wag po kayong maniwala na pag marami ang kinakain ay malaki ang baby, that is a myth po, kailangan po ng mommy na kumain ng kumain dahil un po ang kailangan ni baby, and make sure po na 8hrs lagi ang 2lug nyo.

Magbasa pa

Me kasi sobrang selan ko. Halos di na ako kumain kasi isusuka ko lang. Tapos lagi akong nahihilo. nag-45kg ako nung 1st trimester... nung 2nd and 3rd trimester sobrang takaw ko kaya bago ako manganak nag 70kg ako. 😄

VIP Member

Yes mommy. Ako. wala akong ganang kumain. as in sobra. lugaw nalang at oatmeal kinakain ko. minsan uulamin ko ang milk powder. pero makakabawi din naman sa second trimester at 3rd. Ang hirap na rin mag pigil ng kain.

Me pababa ng pababa po timbang ko every check up from 1 to 4 months. Ngayong 5months na po ako tsaka po ako ginanahan kumain.. So feeling ko nag gain ako ng weight. Malalaman ko yan this week dahil sched ko sa OB. Hehe #SKL

4y ago

same 5 mos n lng aq ng gain weyt unang trim nmayat aq d q alm gusto ni baby n food eh... tska pinilit q dn ng maternal milk...

me, gumaan ako nung 1st tri kasi wala akong gana lagi and walang energy. bumongga naman appetite ko nung 2nd. nagdiet nung nag3rd tri pero napakain na naman ng marami ngayong malapit na ko manganak 🤦‍♀️

ganyan dn po ako mommy nbbawasan dn po timbang ko nung 1st tri wala dn ako gana kumain.. yun pala nasa stage ng pag lilihi .. 2nd and 3rd pabigat na pbigat timbang ko tsaka nag karon na ko ng gana kumain

same. normal naman siguro dahil naninibago pa tayo at nawalan tayo nang gana kumaen, make sure lang na pilitin mo kumaen nang prutas at uminom nang gatas para healthy si baby yan kase foundation nya

Nung 1st trimester ko din bigla ako namayat. Ganun daw po talaga. Lalo pag maselan. Pero nung 2nd trimester ko, naka adjust na body ko. From 50 kg naging 55kg na ako ngayon. 21 weeks.

VIP Member

same 1st to 2nd trimester same padin timbang, tataas man 1kg pero babawas nasa 2kg pro ngayung 3rd trimester medyo bumawi na pero in moderate padin ang kainan depende sa ulam😅

opo.. ako :) 60 aq nung nago mabuntis then nging 57.. kc di ako mahilig kumain.. puro lang aq fruits.. pro pagdating ng 2nd and 3rd tri.. bbigat kana mamshie.. :)