Pregnant need advice
#1stimemom Hello, ask ko lang po if okay na mabuntis ang 23 years old? Hindi po ba masyadong bata pa? Buntis po kase ako at hindi ko pa nasasabi sa family ko. Natatakot po ako. Almost 3 years na din po ako graduate ng college. Need advice po, natatakot ako baka madisappoint parents at mga kapatid ko sa akin. 😭
Okay lang yan. Hehe. Ako nabuntis ako at 25 y/o, ang sabi ko pa nuon, gusto ko mag anak 30 yo. Narealize ko na mas okay din na medyo maaga nagka-anak para bata pa rin ako while he's growing up. I'm not saying this for everybody. Dapat responsable ka rin at ang iyong partner sa mga gastusin at pag aalaga sa baby. Sabihin mo na sa parents at kapatid mo. Sa una siguro magagalit sila, pero pag nakita na nila yang baby mo, mawawala galit nyan sure ako. Dedma sa sasabihin ng other relatives and other people as long as okay na sa parents mo. Good luck!
Magbasa pawala sa edad iyan.. nsa katayuan mo yan sa buhay..if independent kana sa age mo ngayon..kaya mo ng tumayo sa sarili mong paa, alam mo na kahit anung mangyari kaya mo maging matatag na magulang sa magiging anak mo.. kaya po cguro ganyan ang napifeel mo kasi you are not independent enough to take care of your self.. Family mo nman sila, hindi mawawala ang disappointments lalo na sa parents pero ipakita mo lang na responsable ka..tiyak na tutulungan ka nila.. take care lagi lalo na sa magiging anak mo.😊
Magbasa pa23 yrs old din ako this coming November .3 years ago din na akong graduate. 1st tym mom Alam mo momsh Nandyan talaga ang disappoinment pero isipin morin ang baby mo momsh ako nga natatakot talaga ako nung una palagi akong stress palagi kung iniisip kung anu ang sasabihin ko 4mos ako nun bago kopa nasabi at nagulat ang mama ko kase 4mos.kung nilihim yun.Sabihin mona sa mama mo kase pag stress ka may effect sa baby natin yun.❤Kaya mo yan momsh
Magbasa paako 20 years old ngayon at manganganak na this coming September. nandoon talaga yung takot pero matatanggap nila yan sa una lang yang takot na yan. kahit ako eh lalo di pa ako graduate. buti natapos ko 2nd year college kasi online class naman pero di ko muna itutuloy ang pag 3rd year college kasi focus muna ako kay baby. lakasan niyo po loob niyo kesa sa iba pa nila malaman, ikaw na agad magsabi. Good luck at pray lang
Magbasa paHello mamsh! I'm also 23 years old, first time mom and kakapanganak ko lang last Aug 20. Sa una hindi maiwasan na matakot. Thankful lang ako at sobrang tinanggap ako ng family ko. Pero trust me, pag nakita nila baby mo, magbabago ihip ng mundo ❤️ nung una hindi ko rin alam pano sabihin sa family ko, lalo sa papa ko. Pero nakakatuwa na sila yung nag guide sa akin sa pregnancy journey ko. Good luck, mommy!
Magbasa paAko 21 nko now and buntis ako 15weeks, hinde na ko na bahala or natakot kasi legal naman kami both side and 5 years na kami mag ka live in, natuwa pa nga mama ko kasi buti nmn daw nabuntis nako hahaha pinagchichismisan kasi ako na baka baog or yung partner ko 😂sa awa nmn ng diyos 🙏 godbless po sainyo🤗 supportive padin nmn mga parents natin sa ayaw o gusto nya dahil blessing yan😊😇
Magbasa paIm 23 years old mumsh, near due ko nadin. Unang una naiisip ko medyo early kase I still wanna explore, pero as I enter this Journey dun ko narealize na may purpose kaya binigay na sya. Nagsabi din ako agad sa Papa ko and he said na capable naman daw ako to raise a kid, ayusin ko nalang daw coz mags-shift talaga ang priorities mo. Hugs para sayo ❤️
Magbasa pahahaha bakit kaya ganun no tayong mga 20 yrs old and above tayo pa yung parang takot na takot na umamin na buntis tayo. tayo na nakapagtapos ng pag aaral ilang yrs na at may maayos na trabaho takot na takot magsabi kasi baka madisappoint batin yung parents at relatives natin ako 25 yrs old ng mabuntis at grabe din takot ko umamin sakanila hahahaha
Magbasa paAko 21 at 7 months buntis. Sa una lang magagalit parents mo ganyan naman talaga pag magulang lalot nagaaral ka pa ng college. pero pag labas ng baby mo matutuwa na yan. goodluck sa journey mo. being pregnant and being a mom does not stop you from dreaming naman eh. you can still study kapag kaya mo na pagsabayin. :)
Magbasa paHi mommy! Ako po 21 y/o nanganak, sakto right after pagkagraduate ng college 😅 At first nakakatakot talaga magsabi, pero wala naman ibang tatanggap and mag-guide satin kundi family natin☺️ Now, 7 y/o na son ko, now preggy ulit @ 18 weeks. Wag magpaka stress and wag masyado mag worry. You'll be okay☺️💕
Magbasa pa