Pregnant need advice
#1stimemom Hello, ask ko lang po if okay na mabuntis ang 23 years old? Hindi po ba masyadong bata pa? Buntis po kase ako at hindi ko pa nasasabi sa family ko. Natatakot po ako. Almost 3 years na din po ako graduate ng college. Need advice po, natatakot ako baka madisappoint parents at mga kapatid ko sa akin. π

Hi. Share ko lang yung sakin na story tulad nyang ihinihingi mo po ng advice π I'm turning 23 this coming monday. 2nd pregnancy ko na to ngayon. Kaka22 ko lang nung unang pregnancy ko but sadly nakunan ako nung una. Syempre kung sa magulang at mga kapatid po nakakadisappoint talaga sa side nila. Lalo ako kasi ako ang inaasahan. Disappointed talaga sila. Lalo si papa kasi matapos daw ako pag aralin mag aasawa lang. 2 weeks before kasi malaman na buntis ako namanhikan na yung partner ko. So ayun namanhikan nga. Tas biglang paglipas ng ilang linggo malalaman buntis ako. Sobrang nadisappoint sila sakin nung una pero tinanggap nila. Andon na e buntis na. Alangan namang ipaabort pa diba? Mali naman yon. Ayun kahit ganon okay naman sila sakin, samin. Tinanggap pa din nila ako. Then ito pang pangalawang pagbubuntis ko. Mag aapply na kasi sana ako dahil nakapasa nako sa exam. Anyways, criminology graduate ako. So expected na na mag aapply tas eto buntis ako ulit. Feeling ko disappointed pa din sila pero tanggap na tanggap naman nila. Kahit bumukod nako nakakatulong pa din naman ako sa kanila. Protective pa nga sila ngayon masyado sakin dahil sa pagbubuntis ko. Sa una lang po yan matatanggap din nila yan π syempre apo nila yan mamahalin at mamahalin pa din nila yan. Be positive lang po. God bless πππ
Magbasa pa

