anu pakiramdam pag nanganganak

1st tym mom hehhee..anu expirience nnyo

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

feb 14 ako kinonfine kasi 1cm na daw, syempre inenduced kasi ako kaya kailangan ko magpaadmit, need na kasi lumabas ni baby kasi kulang ako sa panubigan, every 3hrs iniIE ako tapos sinusuksukan ng primrose every 5hrs-5tablets, sa pekpek para bumuka na cervix ko. feb17, 2cm pa din ako, then mga tanghali, pumutok panubigan ko. then IE IE IE every 2hrs na pero 2cm pa din. Feb 18 saktong 21th birthday ko, 6am inIE ako tapos 4cm na daw ako, 8am naging 6cm na daw, 9am onwards active labor na talaga, yun yung di ko kinaya, contractions and everything. 24hrs walang kain, walang maayos na tulog, walang ligo, walang inom ng tubig jusko!! Umiiyak ako dun habang tumutuwad at nagssquat 9am hanggang 4pm sabay pa ng paninita na wag daw ako umiyak dahil mauubos daw lalo energy ko sa pagire. Di ko sila sinunod, iyak lang ako ng iyak hanggang 4pm inIE nila ulit ako, hanggang sa 8cm na daw, pinasok ulit hangang sa-- 9cm na daw--10cm na daw tapos plus 1 na daw tapos nagkakagulo na silang lahat kasi wala pa OB ko, tinatawagan nila tapos nireready na nila lahat hanggang sa "doc asan ka na po, plus 2 na po siya" tapos tinawagan ulit "plus 3 na po doc nakahook na" biglang dumating yung OB ko, tapos biglang sinabi saakin kapag tumitigas iire ko lang daw, edi ginagawa ko naman. hanggang sa tinurukan ng anesthesia, wala akong maramdaman na non kundi yung paninigas lang tapos pagpatong nila sa tiyan ko kasi kailangan na ilabas si baby agad kasi baka ubos na tubig niya sa loob, 4:20pm nalabas ko siya kaso hirap siyang huminga kasi paubos na talaga yung tubig sa loob, yun yung pinakamahirap para sakin, yung sobrang alaga namin sakanya nung nasa loob siya tapos pagkalabas niya hirap siyang huminga kasi kinulang ako sa tubig, daming nakakabit sakanya pagkagising ko, oxygen, tracker ng heartbeat kasi bumababa siya, minomonitor din paghinga niya, tapos yung iyak niya na parang ang sakit pero mahina na tipo, 7 days kaming tumagal sa hospital after lumabas ni baby, yung pain na nakita ko sakanya sana ako nalang nakaranas para sakanya. Sick baby siya nung lumabas, pero ngayon lakas lakas ng baby ko on her 2nd month and walang complications. πŸ˜ŠπŸ’– Baby Girl 3.7klgs Normal Delivery Delivery at 37-38weeks prior.

Magbasa pa

Base on my experience sa pang 4 ko mabilis lng ako nanganak.. Yung pag lalabor ko umaga plng ramdam ko na kce ng start sumakit tiyan ko yung feeling na na popoo ka tpos pag ng cr ka kapiraso lng tapos medyo tumitigas na tiyan.. Hnggng tanghali yun pakiramdam ko sabi ko bka manga2nak naku. Pero kaya pa kce sskit cia mawawala agd kung bka every 30mins yung pain nya hanggng hpon pinakikiramdaman ko wala pang 1 minutes may pain ulit di ko na kaya sb ko pa I E na ako hnd na kaya pag dting ko sa lying in 7cm.. 5pm lumabas baby ko 5 30 ntitiis ko pa yun nung sinabi nga sken 7cm na napaisip ako 7cm na pla nkkalakad pa ako pinapakuha na gmet namen ni baby sb ko pa sa staff uuwe din ako kce hnd alam ng hubby sn ko nilagay mga gmet sb sken wag na in labor na raw ako hahaha.. Pero etong pang 5 ko due date ko june 7 sana d ako phrapan ni baby yung katulad lng dn sana last na panganganak ko lng hehehe.. Pero kung iisipin mo namn na yung contractions ehh ssbyan mo ng lakad mawawala sa isip mo yung pain tpos inoorasan mo lng cia pag alam mong due mo na yung sket ng tiyan mo pakiramdaman mo pag sumasakit sya every 1 hr, every 30 mins, every 15 hanggng sa hnd mo na kaya yung contractions yun manga2nak kna tlga nun lakad2 lng kung nkahiga ka dhl d mo kaya yung pain lging nasa left side ka nkhiga dun lng tlga ako ng base sa contractions ko

Magbasa pa
6y ago

Pero wag kana kumain nung araw na yun kapag alm mo in labor mo more on water knalng kce bka mg poop ka hbng umiire...

3 pm start ng labor ko parang ang sarap umiyak pero di ko magawa...ang sarap manuntok pero on duty asawa ko hahaha at 6 pm nung time na halos sumisigaw na ako sa sakit sa pangatlong bed may babaeng biglang sumigaw tapos lahat ng nurse nagka gulo kasi yung baby lumabas na at naka diaper pa si mommy but sadly umiyak ng umiyak siya kitang kita ko talaga color violet na yung baby naluluha ako nung makita ko yung baby and i pray to God sana ok lang ang baby ko and i was so happy 6:50 lumabas na baby ko nung nilabas na kami sa labor room nakita ko yung babae naka tulala ...umiyak yung baby ko then tumingin siya umiyak nanaman siya and i felt sorry for her lost lalo na nung inilagay sa box yung baby niya...πŸ˜”πŸ˜” share lang po

Magbasa pa
6y ago

pray lang po

VIP Member

Sobrang sakit ng labor. Ako 16 hrs naglabor. From 4pm hanggang 4am ng madaling araw 4cm pa din ako. May dextrose na ko ng pampahilab tapos meron pang tinuturok sakin na pangpalambot ng cervix, kada turok sobrang sakit lalo na yung pampahilab, wala pang10seconds may contractions na naman ako. Plus sa hospital ako nanganak kaya bawal may kasama sa labor at delivery room kasi magkakasama kayong lahat ng naglalabor at nagdedeliver. Gustong gusto mo ng umire pero hindi pwede kasi maiipit si baby. Pero paglabas na nya tapos umiyak sya wala na lahat nung hirap at pagod na naramdaman mo. Mas maaappreciate mo talaga nanay mo kapag naexperience mo ng manganak.

Magbasa pa
6y ago

Meron namang hindi gaanong nahirapan sa labor pero sa delivery nahirapan, ako kasi inisip ko nalang na gusto ko ng matapos yung sakit kaya ginalingan ko umire. Depende talaga kay baby kung paano ka nya pahihirapan sa panganganak. Hahahaha. Worth it naman bawat contractions lalo na kapag nalabas mo na sya, mapapathank you lord ka talaga.

VIP Member

halos 24 hours po ako nag labor, ang pinakamahirap sakin is labor then ubg tinuturuka ka na ng pampahilab pinasok po ako sa operating room is past 7 pm then 7:34 lumabas na sya dinya naman po ako oinahiran pero medyo groggy ako sa anesthesia pampatulog at pampahilab paglabas ni bby hingal na hingal hihi but pag nakita mo na si bby lahat mawawala sakit hiral at pagod pero pag nasa kamalayan kana un dun na makirot ang tahi hihi

Magbasa pa

First time mom din ako. Kya everyday as in everyday nagpipray ako na makaya ko panganganak. Ayun.. 12hrs labor pain, pero twice lng na ire lumabas agad si baby. 3.6 kg, pero kinaya nmin ni baby mg normal delivery. Priceless moment nung ilagay si baby si dibdib ko after delivery.. 😍😘

6y ago

praying na sana ako din :) August pa po due ko πŸ˜€

just gave birth sis last 15. grabe. as in un na ung parang pinaka extreme na maeexperience mong pain sa buong buhay mo. hehe. pag mga ilang cm nalang, ibang klase na ung contractions. nakakapilipit na sa sakit sobra. pero everything was worth it pag lumabas na siya. :)

VIP Member

sobrang sakit po mamshie ang mg laborπŸ˜€πŸ˜Š. . pang apat q na now pero kinakabahan pa din aq pg naiisip qng manganganak na nmn aq. . after 6 years ksi bgo nsundan ulit. .

may halong kaba...saya...takot maraming tumatakbo sa isipan pero isa lang ang alam ko masaya ako dahil lalabas na ang baby ko😊

mahirap sis physically pero pag lumabas na si baby worth it naman.kaya mo yan dpt malakas loob mo.