MIDWIFE O OB?
1st time mom here at balak ko po sana sa lying inn manganak.. Pwede ba kahit midwife nalang magpaanak sakin kase healthy naman kami ni baby.. Naiisip ko kase ung gastos 15k sa midwife pag ob naman doble doon at di sila tumatanggap ng philhealth.. Advice naman po

Sa firstbaby ko sa bahay lang ako nanganak. That time 16y/o pa lang ako. Walang hilab tyan ko. 41 weeks na ko nun. Sabi sa center, mamili raw ako kung magpapa cs ako or magpapasaksak ng pampahilab then sa bahay ako manganganak. Mas pinili ko za bahay kasi ayoko talaga ma cs dahil ayoko ng may tahi sa tyan ko. Okay naman. Nakaraos naman ako ng maayos. Pero sa 2nd baby ko sa ospital na ko kasi masyado ko madugo manganak. Sa 3rd baby, lying in naman. 6k pag walang philhealth, kapag meron naman 1500 na lang. Ang mahal ng 15k kung sa midwife lang mamsh.
Magbasa pa

