question about IE.

1st appointment ni friend ko sa ob nya, mahina heartrate ni baby, nasa 110 lang. wala binigay na kahit anong med si ob aside from folic acid. wala ibang advice if need ng bedrest or pampakapit, pinababalik lang after 2 weeks. after 2 weeks no heartbeat na si baby. Question: Normal ba na kada appointment ni buntis kay Ob ay ina IE nya si patient?? (from day 1 appointment ganyan ginagawa ng ob) ganyan kasi ginawa sa knya daw, day 1 palang after nya magpa TransV Ultrasosund, ni-IE agad sya ng ob nya.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa experience ko naman po, First ultrasound ko po around 5weeks TransVaginal ginawa, pero no IE. Second ultrasound ko po after two weeks Abdominal ultrasound na, no IE. Then, naging every month po Abdominal ultrasound, walang IE po talaga kahit ngayong 5 months na ko. Mas ok po sana kung nakapagchange OB yung friend niyo if di siya naging comfortable dun sa mga una niyang checkup and kung nakukulangan siya sa explanation or advice from her ob.

Magbasa pa
2y ago

sobra po nakakalungkot at nakkapanghinayang. this time nagttry na ulit sila with help po ng different ob. mas better po now dahil super maalaga na po at mabait ng ob nya.