IE ni OB....

Ask ko lang po, naguguluhan po ako kay OB ko, nung first IE nya sakin sabi nya "mejo masikip ang sipit sipitan ko, tapos 1 cm na daw ako" after 1 week bumalik ako sa kanya IE nya uli ako, parang konting pasok nya lang ng daliri nya sabi na nya "nako, maliit talaga, recommend ko sayo CS na" Parang ang gulo po 😥 parang nitamad lang sya nung araw na yun compare nung unang IE nya sakin na parang sinagad nya hanggang dulo. Sabi pa nya, wag daw muna ako babalik sa kanya hanggang wala akong swab test. Ano po kayang magandang gawin mag trial labor ako o sundin ko yung recommend ni OB na CS? 39 weeks na po ako. #1stimemom #advicepls

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Baka gusto lang talaga mag cs ng ob mo. Minsan may mga OB kasi talaga na gusto lang nila iCS un patient para mas madali para sa kanila. Schedule lang okay na. Unlike sa normal delivery na maghihintay pa sya sayo, matagal pa naman ang labor time. And siguro Lalo na ngayon pandemic, ayaw din nila mag stay ng matagal sa hospital. Ganyan ang kwentuhan namin mga Nanay. Kasi may mga kabatch akong nanganak na, un iba normal delivery, yun iba CS kahit without serious condition naman. Required po ang swab test sa mga manganganak ngayon pandemic. Para din po sa inyo yan ng baby mo, and para na din sa doctor at mga nurse na mag aasist sa inyo sa hospital. Sabihin mo po kaya sa OB mo na baka pede ka pa bigyan ng pampa induce, and sabihin mo din na mahal ang CS wala kayong budget. Check mo kung ano sasabihin niya.

Magbasa pa
4y ago

thank you po Mamsh. naguluhan lang tlga ako sa OB ko.

try mo magpalit ng o.b sis

4y ago

hindi pa po ba late na ang pagpapalit ng OB, 39 weeks na po ako e.