FTM here

19days old na po si LO ko. Minsan di ko na sya napapaburp pag nakakatulog na sya. Pagkagising nya tsaka ko sya papaburp. Minsan naglulungad sya at lumabas pa sa ilong ung gatas. Nagpapasuso po ako. Kaya ngayon ang ginagawa ko after nya magdede di ko muna sya ilalapag. Hahayaan ko sya na buhat ko sya ng ilang minuto bago ilapag sa higaan nya. Minsan po nakahiga po ako nagpapadede. Side lying po. Any advice po para maalagaan ko si LO ng tama. Nakakalungkot po kasi minsan. Naiisip ko baka mapano si LO pag may di ako nagawang tama. First time mom po ako

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po. Dapat every after bf mo ka baby napapa burp talaga. Wag niyo po ilapag kung di pa nakaka burp. Pag nagpa dede ka rin dapat po buhat buhat mo siya. Hindi advisable magpadede ng nakahiga po kasi yan po yung isa sa mga dahilan bakit nagkaka pneumonia ang newborn. Aspiration pneumonia po.

5y ago

Okay po. Salamat

Ang alam ko lang sis dapat every feeding ni baby napapa burp sya kasi para di rin sya kabagin. Need sya buhatin na nakadantay ung tyan nya sayo tas antay mo sya mag burp.

5y ago

Sige po. Thank you 😊