Potty train
Hi mga ka mommy any advice po paano magtrain sa pag ihi at poop si lo. Di naman po sya naiihi sa higaan kaso di nya din gusto umihi sa cr.
Ano na po age ni lo nyo? Sa amin po ay nasulit naman namin ang potty trainer nya. Para pwede dalhin sa any part of the house, lalo na kapag busy sya sa paglalaro. Nagstart kami seryosohin ang potty training nya nung 1y 10m sya. Naka-panty/ brief lang dapat, no diapers. Expect lots of misses, importante ay huwag sya papagalitan o ipapahiya in case of accidents. Dapat sa simula, regularly (like every hour) mo sya iupo sa potty nya para magwiwi. Until matutunan nya na doon dapat ang "wiwi at pupu". Now qt 2y 4m, sa pagtulog na lng sya naka-(cloth)diaper. Nagsasabi na sya kapag mawiwi or pupu na sya. I'd say currently ang "success" rate namin is 95% sa wiwi, 100% sa pupu
Magbasa pa