I'm a student and I'm pregnant

19 years old ako ngayon. I'm currently taking up Industrial Engineering and nasa second year na ako. Kung Tama ang bilang ko 18 weeks na akong pregnant. Hnd ako umiinom ng vitamins and hnd pa ako nagpacheck up. Hnd pa Alam ng parents namin ng bf ko about dito. Against din kase Ang parents ko sa relationship namin lalong lalo na ang tatay ko kase Muslim yung bf ko Catholic naman ako. Sa ngayon pinafollow up ko na ang clearance ko para sa second semester and mag eenroll na din sana next week. Kaso nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba pag aaral ko kase sobrang stressful ng course ko and sobrang layo din ng school sa bahay namin, Double ride pa. Hnd ko na alam ang gagawin ko. Napanghihinaan na din ng loob ang bf ko kase another dis appointment na naman daw ang ibibigay Niya sa parents niya pero never namin naisipan na ipalaglag ang baby namin. Mahal namin baby namin pero hnd namin Alam Kung anong dapat gawin ??

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Stop ka muna sa studies. Kailangan mong magpahinga at umiwas sa stress. Magpacheck up ka please. Maawa ka sa bata. Sabihin mo sa parents mo. Oo alam ko hindi madali , pero anak ka nila . Wala silang ibang pwedeng gawin kundi tanggapin at suportahan ka.

5y ago

God bless mommy. Basta kung anong sabihin ng parents mo. Tandaan mo na nagulat lang sila at concern lang sila sayo. Mahal ka nila.

Sabihin nyo na din sa parents nyo. Mas maaga nila malaman mas mabuti para alam mo kung ano gagawin mo. Normal na magalit sila pero intindihin nyo na lang. Kaya nyong dalawa yan. basta para kay baby. congrats sayo.

5y ago

Thank you po sa advice and support niyo. ❤️