Mother's knows best daw

18 weeks na po ako, ever since na nalaman ng nanay ko na buntis ako lagi niyang kinukwestyon kung magiging mabuting Ina raw kaya ako. Sinasabi niya rin sakin na sana wag magmana sakin yung anak ko dahil mahina yung utak ko. At mula noon hanggang ngayon kinukumpara pa rin niya ako sa pinsan ko na maraming alam sa buhay at kahit walang asawa naitataguyod nag isa yung anak. Minsan hindi ko nalang pinapansin yung mga sinasabi niya pero may mga oras na gusto ko syang sumbatan. Iniwan niya kaming magkakapatid noon sa puder ng magulang niya. Sila nagpalaki samin. Mahina yung utak ko sa paningin niya kasi mula noon naman hindi ko pinag malaki sa kanila yung achievements ko sa school o yung accomplishments ko sa trabaho. Alam niyang mahiyain ako noon pa man at lagi niyang sinasabing masyado akong insecure at di raw ako nagmana sa kanya..

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Alam mo yan mumsh, there is something wrong with how your mom is dealing with your condition, you know your worth and you know her weaknesses din. Malay mo, it's just her way of motivating you to do your best for your little one. Kasi by the way she is as a mom to you and your siblings, alam mo na na may dapat iimprove. Kaya learn feom it na din and sa mga sinasabi niya, gawin mo nlang yung tama for your little one then siya na ang mkakarealize na unquestionable pagiging responsible mo na mommy. 😉

Magbasa pa

Sabhin mo nlng sa mother mo na...sa nanay namamana ng anak ang kanyang katalinuhan.....sorry ha pero para lang mapaisip sya na nanay din sya at hndi nya naisip na ikaw anak nya pinagsasabhan nya ng ganun samantalang sa kanya ka nangaling. Walang mabuti at perpektong ina. Ang tanging trabaho lang natin ay palakihin sila mabuting tao at cguraduhin healthy sila

Magbasa pa

Wag mo na masyado isipin un sis, bawal ka mastress nakakasama sa baby mo yan

Patunayan mo sa knya na mali sya..