Sobrang Sakit Ng Balakang

17 weeks napo ako.. And recently, sobrang sakit ng balakang ko.. Tamang lakad here and there naman ako sa work, tamang upo din (pero mostly naglalakad talaga sa opis).. Pero ayun nga, parang "penguin" nadaw akong maglakad sabi ng asawa ko.. Sabi ko naman kasi sobrang sakit ng left side ko dun parte sa buto talaga naffeel ko.. Then pag hihiga na, sobrang sakit talaga ng buto2x (later on mggng ok na).. Normal lang po ba ito dahil sa pagwiden daw ng pelvic para kay baby?

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sakin parang di normal. Nagwowork din ako araw araw byahe ko from bulacan to santolan. Naglalakad everyday mag 21 weeks na ko pero di sumasakit balakang ko. Ganyan ung katrabaho ko 5 months sya mahigit, nalaglag ung baby. Ang iniinda nia dati sakit daw ng balakang nia may nakausap ako sa opisina nung kinwento daw un ni opismate na alarma na sya kase di nga normal mga ilang days lang nagpost sya sa fb wala na ung baby tpos nagfile na sya ng miscarriage sa opis para maclaim ung leave na 60 days. Mag ingat po, pag unusual po sabihin nio kay ob nangyayari.

Magbasa pa
VIP Member

Ako po nararamdaman ko yan after maglaba o gumawa ng mejo mabigat na gawain sa bahay. Parang may gustong pumutok sa balakang yung ganon po as in yung parang ngalay po no? Na hindi mo maigalaw. Nilalagyan ko lang po ng eficascent kaya mejo nawawala tapos makakatulog na po ako non. Kasi ok naman po urinalysis ko wala naman infection. Baka sa pagod po o pag upo ganyan. Ingat po

Magbasa pa
VIP Member

Baka po may uti ka sis. Kasi ganyan din ako ngyon 15weeks na ko. Pinapaurine culture test ako kasi hnd tumalab sakin ung antibiotic na pinainom sakin for 7 days. Pacheck ka po sa ob mo. And lalo na kung may bleeding ka better to go to your ob na kasi ako nagbleed ako tapos nakita sa tvs ko may minimal chorionic hemmorrhage ako so niresetahan ako ng pampakapit.

Magbasa pa

Normal lang pero dapat wag masyado magpagod sa paglalakad. Kasi masakit talaga siya sa balakang nagkaganyan ako last week nawala lang ngayon. Sabi ng ob wag magbuhat ng mabibigat o wag masyado magpagod.

VIP Member

Sabi ng tita ng husband ko mag watch out daw ako sa pagsakit ng balakang. Yun kasi naging symptom niya nung nakunan siya dati. OB yung tita niya. Kaya maigi po siguro kung pacheck up kayo sa OB niyo.

Same here, sinabihan din ako ng ob ko na wag masyado maglalakad ng malalayo. Binigyan din ako ng pampakapit medyo mababa daw kasi yung pwesto ng baby ko, 17 wks preggy

TapFluencer

same po tau ng nararamdaman 🤣 17 weeks and 6 days po ako. binigyan ako ni ob ng pampakapit and bedrest for 2 weeks po.

Ganyan din ako nung nagwowork pa ako momshie tas preggy na ako kaya tumigil ako sa wprk ko nung 5mos na

Ako po pag di lang maayos yung pagkahiga and pagkagising medyo ngalay ang balakang

Same here.. Naiyak na lng ako sa sobrang sakit.. Kaya hinihilot ni partner..