Ask ko lang san ba mas ok magstay sa manugang mo or sa pamilya mo?

16 days na after ko manganak through ECS ok naman sa side ng parent ng boyfriend ko nabibigay nila needs ni baby at nagbabantay din sila minsan lalo na at CS nga ako. Boyfriend ko minsan lang magbantay kay baby gigising siya ng tanghali kakain after non saglit na babantayan si baby as in mga 10 or 20 minutes lang tapos maglalaro na ng ML nung una ok lang naman e kasi tulog naman si baby madalas sa hapon pero yung tipong kahit after kumain sa gabi maglalaro na lang ulit siya mg ML tapos papasok na ng kwarto ng mga 12 or 1 am para matulog. 1 or 2 beses ko pa lang siya nakatulong magbantay kay baby ng madaling araw yun yung araw na talagang antok na antok ako na after ko padedein si baby matutulog ulit ako tapos siya magaasikaso kay baby hanggang sa makatulog. Tipong gustong gusto ko umuwi samin kasi pag nasa amin ako may makakatulong ako magalaga kay baby nandun mama ko at ate ko na may anak na din pag sa kanila kasi puro ako yung laging nagaasikaso kay baby. Di ko din mapaliguan or mapunasan ng maaga si baby kasi bababa pa ko ng hagdanan e di naman ako pedeng laging bababa ng hagdanan kasi baka biglang bumuka tahi ko, pagginising ko naman boyfriend ko para magpakuha ng tubig na maligamgam pangligo o pamunas ni baby didilat lang tapos tulog ulit ilang beses ko pa kailangang gisingin para lang kumuha siya ng panligo ni baby. Laging ganun yung scenario iniisip ko tuloy sana sa bahay na lang namin kaming dalawa ni baby nagstay at siguro di pa talaga handang iwasan or bawasan ng boyfriend ko yung mga ginagawa niya lalo na yung paglalaro ng ML. Nahihiya din kasi akong magsabi na uuwi na lang muna kami ni baby samin kasi almost 100k din yung ginastos samin ni baby gawa private hospital ako nanganak. Please advice naman po ano po need kong gawin if magstay or umuwi na lang muna kami ni baby samin. Thank you po sa mga sasagot.

29 Replies

Sa side ng family mo nlg sis. hindi ka naman dapat mahiya dahil sa 100k kasi apo po nila ang anak niyo at kadugo po nila yan. be straightforward sa partner mo. Tell him that he's useless (no offense) and be mature. Dapat nandyan sya para tulungan ka. Hindi yung ikaw lg an nahihirapan.

Yung sister ko po nung nanganak, kahit may sarili po silang house ng hubby niya, sa amin pa din po siya tumuloy kasama baby niya tsaka asawa niya. Kase iba pa din po pag naaalagaan ka ng iyong ina. Mas maganda po yung nasa family mo ikaw para mas mapabilis pag galing mo.

For me po sa family mo talaga . Kase mas comfortable ka dun at mas kilala mo ugali nila so anytime na may ipapakisuyo ka hindi ka mag ooverthink na baka may side comments sila sayo lalo na po at cs ka mahirap talaga kumilos. Iba po ang alaga ng totoong pamilya. 😊

Para sakin bukod na lang din.. Like sakin ngayon 1 month na lang manganganak nako.. Dito ako sa samin nakatira mga kapatid at pamangkin ko na lang kasama ko.. Mahirap makisama.. Kahit anong ganda na nang pakikisama mo may masasabi at masasabi pa rin sayo..

Sa parents mo. 🙂 Kampihan kasi mangyayari dyan. Dahil anak nila yung asawa mo, malamang kakampihan ni Byenan ang asawa mo kasi anak nya yun. Parang pagkampi natin sa baby natin kasi anak natin yun. So, go sa parents. 💗

paka ano naman ng boyfriend mo ml nalang sana inasawa niya napakabatugan kausapin mo para magtino masasanay yan! walang pang intindi haynako! kung ganyan asawa ko pasuntok ko nalang sa tatay ko para maging responsable

TapFluencer

Mas maganda pag sa family mo. Mas comportable ka kesa sa side ng asawa mo. Hirap naman bumukod kayo ng bf hindi naman nakakatulong kaya mainam dun ka na lang sainyo. Ako nga eh if may choice lang ako dun ako samin.

Naku, ang hirap nyan. Baka mabinat ka pa..mas okay ng umuwi ka muna sainyo..atlis dun comfortable ka na mama at ate mo katulong mo sa pag babantay kay baby mo.. iwas ka sa stress ate..

For me, sa parents. Mabait man piliin mo sa poder nang parents mo lalo na kung hndi pa naman kayo kasal. Mostly kasi sa mga in laws, gusto nila kontrolado nila. Ikaw din.

TapFluencer

Okay naman si biyenan ko, pero iba kasi pag pamilya mo talaga ang kasama mo, hindi ka gaanong mahihiya..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles