mas okay dun ka sa side mo para dika ma stress . ganyan din ako nun nung pag uwi namin galing hospital nag stay muna kami dito sa bahay namin ng hubby ko tas gusto nya dun kami sa kanila para daw di kami mahirapan mag asikaso kay baby .. nung nandun na kami aba wala ginawa kundi mag ML dipa natutulog hanggang umaga kinabukasan umalis pa ano oras na umuwi .. kami ng byenan ko nag asikaso tas stress din ako sa byenan ko kasi feeling ko lahat ng ginagawa ko kay baby mali lagi nya ako sinisita bawat kilos ko .. ginawa ko mismo na araw na yun pinilit ko sya umuwi sa bahay talaga namin, simula nun okay naman nagagawa ko pagiging ina ko sa baby ko tas siya nag aasikaso samin mag ina ..
Family tlga is the best. Ganyan din kasi nangyayari sa akin ngaun. Puro cp at games lng inaatupag ng lip ko. Ggising ng maaga pra maglaro. Matutulog pag napagod. Sobrang immature. Ndi iniisip ung future ng anak. Like ngayon next month nko manganganak kaso kulang n kulang ung gamit ng baby. Pero wala prin siyang ginagawa. Gusto gusto ko ng umuwi sa amin pra at least nasa pamilya ko ako nakatira. Kaysa dito n nabubwisit lng ako everytime na nkikita ko siyang naglalaro. Matapos lng tlga tong covid na to at pag pwede na ako sumakay, iiwan ko to. Mabubuhay ko naman ang anak ko without him.
Na experience ko din yan. Mahilig din maglaro ng mobile games ang husband ko. Umiiyak ako noon habang nasa bahay nila. Wala akong mapag sabihan sa nararamdaman kong pagod Kasi kapanganganak lang, tapos puyat. Hands on ako Kay baby. Nagawa pa ngang mag gym eh. Iniiwan ako sa hapon, gusto ko sanang matulog habang natutulog si baby, kaya lang wala akong ka rilyebo sa pagbabantay kay baby. May mga araw na okay siya.. may mga araw din na hindi. Kaya naisip ko na gustong gusto ko nang umuwi sa amin. Ngayon dito na kami nakatira sa amin, siya na naman gustong umuwi sa kanila.
Kung dipa kaya bumukod better na sa pamilya mo pansamantala lalo na at ce ka mhirap magkikilos kasi yung pagpupuyat ng boyfriend mo e dahil sa ml at di man lang isipin masyado papo siyang iresponsable bilang ama at Lip sainyo better talk to him na need mo muna umuwi sainyo magkaiba kasi yung case na ganyan dahil diyan dimo naman mautusan biyenan mo unlike mama mo pwede mo masabi na MA PASUYO NAMAN AKO SAGLIT NG PAMUNAS NI BABY , E sa biyenan mo baka sabihin pa sayo e ang tamad mo. Haha
Do what is best for your baby, but first, talk to your boyfriend. Bakit parang mas priority niya ang ML kaysa sa inyo? Di pa ba siya ready magpakatatay? Ask him that, kasi he should have realized that. CS ka pa naman and mahirap case mo baka mabinat ka or ano. Di naman agad nagaling ang tahi, di ba nya alam yun? If di siya magbago, uwi ka na lang sa inyo but talk to his family, too. Explain your side para di magkaroon ng misunderstanding. This is just my perspective ha, God bless!
Naiintindihan kita. Grabe ang sakit ng katawan ko noon, hindi ako makaligo ng maaga kasi nga walang papalit sa akin sa pagbabantay. Mahirap talaga kapag kulang ang support system mo. Pero kayanin mo ha, nabinat na ako minsan dahil sa pagod ng katawan Kasi nga nasa healing process pa from childbirth. Pero kailangan kong magpakatatag para sa baby ko. Ikaw din, magpakatatag ka. Magdasal ka palagi. Be strong!
Wala, bumukod ang mas ok. Ako nagstay ako sa pamilya ko kasi kabuwanan ko na. Dun dapat ako hanggang manganak kaso ampota di ko kinaya makisama sa mga kapatid ko. After 2 weeks unalis ako kahit paranaque pa rinerent namin ng jowa ko. Eh nasa QC pamilya ko. Buti nakahanap ako ng kotse na marerentahan ngayong ecq, 1500 nga lang... mas maganda kayo lang ng jowa mo. Hirap makisama.
Hay nako same here momsh yung tipong mas marmi time sa games kesa kay baby tapos nasa iisang bubong kmi ng family nya kahit sobrang naiinis kana wala ka magawa lalo na lockdown. Naiiyak ako lagi gusto ko na muna umuwi kasi alam ko mas matutulungan ako ng nanay ko. Sa mama kasi ni hubby nakakahiya naman kung lagi sila nag aalaga kay baby
Umuwi ka muna sa inyo momsh. Iba talaga kasi ang alaga ng sarili nating nanay. Atleast pag dun ka sa inyo may katuwang ka sa pag-aalaga kay baby lalo na CS ka at para iwas PPD, base kasi sa kwento nasstress ka sa boyfriend mo. Ganyan ang ginawa ko after ko manganak sa parents ko ako umuwi para may mag-asikaso saken.
Sa side niyo po muna then pag medyo malaki na si baby o kaya mo na, bumukod na kayo. Wag po sa fam house ng hubby mo kasi limited lahat ng galaw mo. Hindi mo magagawa lahat ng gusto mo kahit sabihin nilang "feel at home" ka lang sakanila. At kailangan mo rin tulong ng momsy mo sis yan ang importante.
Anonymous