Bumabalik Pagkairita Ko

15 weeks Preggy here. Sobrang emotionally ko umiiyak nalang ako bigla pero ang nararamdaman ko feel ko di ako inaalagaan ng partner ko di kame nagsasama sa iisang Bahay. Andito ako sa Bahay namen kase mas malapit amg work ko ditto. Ngayon feel ko may kulang talaga saken sobrang kulang kahit na nga ba inuupdate niya ako kaso kulang talaga. Mas gusto ko nalang tuloy magisa kesa Makita pa siya. Tutal parang sarili ko lang din naman iintindi saken. Weekend lang kame nagkikita eh parang mas maiirita lang ako kase nabibitin ako kasama siya. Ewan ko bat di niya maramdaman yung ganun bagay, Wala siyang alam na naiinis o nagagalit na ako sknya. Sobrang nakakairita na.

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po ako ng first trimester ko lalo na 2nd trimester kasi sa first tri. Ko kasama ko si Hubby for exact 3months since bed rest sya nadisgrasya sa motor, naiinis ako pag magiinom sila ng tropa nya kahit harap lang ng bahay ayoko gusto ko sya kasama, tapos back to work na sya nung 2nd tri. Ko syempre lagi nasa work. Inis na inis ako gusto ko nasa bahay lang sya at nakikita ko sya. Sobrang clingy ko non.. Naiinis na din ako sa sarili ko kasi bakit ako naiinis sa kanya di ko maintindihan bat gusto ko lagi kasama sya sobrang nababaliw ako ganon 😂 hanggang sa nilibang ko na lang sarili ko kay Baby sa mga sipa nya. Pag aalis pa sya ng off nya weekends nagagalit ako gusto ko wala syang lakad bahay lang sya naiiyak na sya sakin 😂. Wala kasi ako work saktong nagresign ako saka ko nalamang buntis ako and di muna ko naghanap kasi ako nagaalaga kay Hubby dahil bali braso nya nakasemento. Kaya sobrang mababaliw ako 😂 pero ngayong 3rd tri. Ko si Baby na lang inaantay ko, at weekends since makakasama ko si Hubby. Onting tiis na lang lalabas na Baby ko kaya wala na ko time mag drama kay Hubby kasi busy sa Anak namin 😂 kaya mo yan Momsh wag kang magpapadala sa emosyon mo. Minsan ako umiiyak ako kay Hubby ineexplain ko kung bakit ako nagkakaganon di ko sya inaaway nagdadrama lang ako 😂 makakalampas ka din sa stage na yan 😊

Magbasa pa