Palabas lang ng sama ng loob

15 weeks preggy here.. mula nung nabuntis ako ang dalas ko umiiyak sa gabi. sobrang insensitive kasi ng partner ko. may apartment kami pero uuwi lang sya don para matulog at maligo. maghapon nasa bahay ng parents nya. magkalapit lang kasi. at sa maghapon na un puro ML lang ginagawa nya. galit pa sya pag may sinasabi ako o inuutusan ko.. minsan nasisigawan pa ko. pero iniisip ko na lang baby ko. first baby ko to at ang tagal ko hinintay ito kaya kailangan ingatan ko. ayaw ko na stressin sarili ko kasi ang kawawa lang ay si baby. kaya di ko na sya pinapansin. isang tanong isang sagot lang ako. di ko na rin tinatabihan sa pagtulog. cold na kung cold pero kung yun ung way ko para di mastress gagawin ko. hinihintay ko na lang rin matapos yung quarantine para makauwi na ko samin.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baka nga better na uwi ka na lang. Sana wag ka magalit pero baka gumagawa lang siya ng rason para makatakas sa responsibilidad niya bilang ama. Minsan may ganun din, nananadya para sabihin na ikaw naman ng iwan at hindi siya. Kausapin mo ng mahinahon, sabihan mo din magulang niya. Tanong mo kung ano ba talaga gusto niya mangyari. Sabihin mo, hindi pwede na part-time lang siya nasayo. Ano yan pagdating ng bata, ganyan pa rin?

Magbasa pa